Lahat ng expecting mommy ay nagnanais ng isang maayos na panganganak lalo na sa mga first timers. Para hindi masyadong ma-stress kailangang alamin ang mga halaga ng pera na kailangang ihanda sa araw ng panganganak.
Karamihan sa mga pinay ay syempre gusto ang manganak sa mga public hospital dahil mas mura nga naman ito at pwedeng makalibre pa.
Ang normal delivery, na kilala rin bilang vaginal delivery, ay isang uri ng panganganak kung saan ang sanggol ay isinilang sa pamamagitan ng vaginal canal ng ina. Ito ay kadalasang nangyayari nang hindi gumagamit ng mga surgical na instrumento o paglunas.
Expectations sa Normal delivery na Panganganak
1. Ang isang normal delivery ay maaaring maging opsyon para sa mga babaeng may normal na pagbubuntis, walang komplikasyon, at walang mga salik na nagiging sanhi ng pangangailangan para sa cesarean section o iba pang mga interbensyon. Mas mura din ito kung gagawin sa public hospital.
2. Bago magsimula ang proseso ng panganganak, ang cervix ng ina ay nagdadagdag ng laki (dilates) at nabubukas (effaces) upang bigyang daan ang paglabas ng sanggol
3. Sa panahon ng paganganak, ang uterus ng ina ay nagtatrabaho upang itulak ang sanggol pababa sa vaginal canal. Ito ay kilala bilang mga pagkakaroon ng kontraksyon.
4. Bago ang panganganak, ang amniotic sac na naglalaman ng sanggol ay maaaring bumigay, na nagiging sanhi ng pag-apaw ng amniotic fluid. Ito ay kilala bilang “pagtulo ng tubig.”
5. Matapos isilang ang sanggol, ang placenta ay karaniwang sumusunod na lumalabas sa pamamagitan ng vaginal canal.
6. Ang isang birthing coach, midwife, o doktor ay maaaring magbigay ng suporta at gabay sa ina upang matiyak ang ligtas na panganganak
Magkano ang halaga ng panganganak sa Public hospital sa Pilipinas
Ang halaga ng panganganak sa Pilipinas kapag nasa public hospital ay pwedeng umabot ng Php 5,000 – Php 10,000 pesos. Ang halaga na ito ay nagbabago bago depende sa hospital na pinupuntahan.
Pero maaring tumaas ito at umabot ng hanggang Php 20,000- Php 30,000 pesos kung may emergency procedures. Tumataas ang halaga ng panganganak kapag may mga additional gamot para sa pampahilab at mga gamot para mailabas ang bata ng maayos.
Philhealth Benefits para sa Panganganak
Ang Philhealth ay lubhang napakahalaga sa panahon ng panganganak kaya kailangan ay updated lagi ang monthly payment para magamit ito.
Sa normal delivery ang sagot ng Philhealth ay nasa Php 5,000 – Php 6,500 pesos kaya kapag ang panganganak ay nasa public hospital pwedeng sagutin na ito lahat ng Philhealth.
Para naman sa Cesarian delivery ang Philhealth ay may sagot na Php 19,000 pesos. Halos kalahati ito na presyo sa mga private hospital na ng CS delivery.
Paano Makaavail ng mga Discount sa Normal Delivery na Panganganak?
1. Maging miyembro ng Philhealth
Ang PhilHealth, ang national health insurance program ng Pilipinas, ay nagbibigay ng coverage para sa panganganak sa mga qualified na miyembro. Maraming mga pampublikong ospital sa Pilipinas ay nakikipagtulungan sa PhilHealth para sa pagbibigay ng libre o abot-kayang panganganak para sa mga pasyenteng miyembro ng PhilHealth na kwalipikado.
2. Programang Paanakan ng local na Munisipyo
Ang ilang mga lokal na pamahalaan sa Pilipinas ay nagbibigay ng programa ng libreng panganganak sa mga residenteng mahihirap o walang sapat na kakayahan sa pagbabayad. Ang mga residente ay maaaring mag-apply para sa mga ganitong programa sa kanilang lokal na pamahalaan o barangay hall.
3. Motherhood program ng Department of Health
Ang Department of Health (DOH) ay nagbibigay rin ng mga programa para sa pangangalaga sa kalusugan ng kababaihan at kaligtasan ng mga ina at sanggol. Ito ay maaaring maglaman ng libreng serbisyo para sa prenatal care, panganganak, at postpartum care.
4. Social Services at Philanthropic Programs
Maraming mga pampublikong ospital ay mayroon ding mga social services department na nagbibigay ng tulong sa mga pasyenteng walang kakayahang magbayad.
Mga Hospital sa pilipinas na Libre ang panganganak
Take note na mas madali ang pag-avail ng libre na panganganak sa public Hospital kung merong Philhealth ang mother.
Philippine General Hospital (PGH)
Address: Taft Avenue, Ermita, Manila
Telepono: +63 2 8554 8400
Dr. Jose Fabella Memorial Hospital
Address: Lope de Vega St, Santa Cruz, Manila
Telepono: +63 2 7312 6151
East Avenue Medical Center
Address: East Avenue, Diliman, Quezon City
Telepono: +63 2 8926 7999
Quirino Memorial Medical Center
Address: Project 4, Quezon City
Telepono: +63 2 8925 9287
Jose R. Reyes Memorial Medical Center
Address: San Lazaro Compound, Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila
Telepono: +63 2 8731 2361
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
Address: Sumulong Highway, Marikina City
Telepono: +63 2 8817 0761
Rizal Medical Center
Address: Pasig Boulevard, Pasig City
Telepono: +63 2 8651 6872
Tondo Medical Center
Address: North Bay Boulevard, Tondo, Manila
Telepono: +63 2 8361 1366
Ospital ng Maynila Medical Center
Address: Quirino Ave, Malate, Manila
Telepono: +63 2 8523 8131
Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
Address: Pulang Lupa, Las Piñas City
Telepono: +63 2 8874 0640
Iba pang mga Babasahin
Magkano ang operasyon sa Brain Tumor sa Pilipinas
Magkano ang Operasyon sa Pterygium
One thought on “Magkano ang panganganak sa Public Hospital?”