June 21, 2024

Magkano ang magpa Pustiso sa Pilipinas?

Spread the love

Ang pustiso, o denture, ay isang prosthesis na ginagamit bilang kapalit sa mga nawawalang ngipin at nakapaligid na tisyu sa bibig. Ginagamit natin ang pustiso kapag may kulang sa ngipin natin at nahihirapan tayong kumain o para mapaganda ang pisikal na kondisyon o aesthetic natin.

Minsan malalaman lang natin ang kahalagahan ng ngipin kapag natanggal na ito. Kapag nagsuot ng pustiso lalo na kung first time ay sadyang nakakapanibago talaga at dito ka mapapaisip na sana naalagaan ng maayos ang ngipin. Pero may mga cases naman na may pagka hereditary ang problema kaya nalalagas ang mga ngipin kaya kailangan talaga gumamit ng maaga ng pustiso.

Bakit kailangan ng Pustiso

Maraming dahilan kung bakit kailangan magpapustiso, pero ang pinaka main reason ay para para maibalik ang mga normal na pwedeng gawin noong kumpleto pa ang mga ngipin natin.

Una, ang nawawalang ngipin ay maaaring magdulot ng problema sa pagnguya ng pagkain at pagbigkas ng mga salita. Ang pustiso ay tumutulong upang maibalik ang normal na pag-galaw ng bibig, na nagpapadali sa pagkain at malinaw na pagsasalita.

Pangalawa, ang mga ngipin ay nagbibigay suporta sa mga pisngi at labi. Kapag nawawala ang mga ngipin, maaaring lumubog ang mga bahagi ng mukha, na nagiging sanhi ng pag-iiba ng hitsura. Ang pustiso ay nakakatulong upang mapanatili ang natural na anyo ng mukha.

Pangatlo, ang pagkawala ng ngipin ay maaaring magdulot ng paggalaw ng mga natitirang ngipin at pagbabago sa alignment ng panga. Dito nangyayari yung nakikita natin na hiwa hiwalay ang ngipin. Ang pustiso ay tumutulong upang mapanatili ang tamang pagkakaayos ng mga ngipin at maiwasan ang mga potensyal na problema sa panga.

Panghuli, ang pagkakaroon ng kumpletong hanay ng ngipin ay mahalaga para sa tiwala sa sarili at kagandahan. Ang pustiso ay nag-aalok ng solusyon upang maibalik ang magandang ngiti at mas mataas na self-esteem

Magkano ang magpagawa ng Pustiso sa Pilipinas

Ang halaga ng pagpapagawa ng ngipin ay nakadepende sa mga material na gagamitin sa base ng pustiso, sa klase at dami ng ngipin na ilalagay at sa doctors fee.

May mga gumagawa ng ngipin na ang halaga ng kada ngipin ay nasa Php 2,000 – Php 5,000 pesos (basic), Php 5,000 – Php 10,000 pesos (mid range) at high end na ngipin na nasa Php 10,000 pesos pataas.

Para sa base naman ng ngipin ang halaga nito ay pwedeng umabot ng Php 2,000 pesos para sa acrylic denture. Ito ang hahawak sa mga ngipin na ilalagay sa pustiso.

Ang paggawa ng mold ng ngipin para pagbabasehan ng acrylic base ay pwedeng umabot ng Php 2,000 pesos. Ang bahaging ito ay pwedeng umabot ng ilang try sa pasyente ( 2-3x na pagsukat) para makasigurado na hindi maluwag o masikip ang gagawin na pustiso.

Para sa kabuuan, halimbawa ay may 2 ngipin na na ipinapustiso sa taas lang na bahagi, ang computation ng bayarin para sa pinakamurang pustiso ay:

Php 2,000 – acrylic base

2x Php 2,000 = Php 4,000 pesos para sa 2 na ngipin

Php 2,000 – para sa mold ng ngipin

Total: Php 8,000 pesos para sa 2 ngipin na pustiso (+ dentist fee)

Ito ay estimate lamang at pwede namang itanong sa dentista kung magkano ang babayaran bago isagawa ang procedure. Kapag halos lahat ng ngipin ay kulang na, pwede kasing umabot ng mahigit Php 25,000 pesos ang gagastusin mo (taas at baba na ngipin).

Source: Gamotsangipin.com

Pagsasanay ng paggamit ng Bagong Pustiso

Kapag bagong kuha ang pustiso, nirerekomenda ng mga dentista na isuot ito ng deretso ng 7 days or more para masanay tayo at ang gilagid sa pwesto nito. Kapag hindi kasi ito pinatatagal ay pwedeng mag-adjust ang mga jaw bones natin at later ay pwedeng maging maluwag o masikip ang pustiso na bagong gawa.

Normal na reaksyon ng bibig ang paglalaway pero sa umpisa lang ito mangyayari. Ganun din ang pagsasalita ay pwedeng hindi kumportable sa una pero pagtagal ay magiging maayos din naman ito lalo na kung makaadjust na ang bibig natin.

Mga Clinic kung saan pwede magpagawa ng Pustiso

Metro Manila

Gan Advanced Osseointegration Center (GAOC)

Address: SM Aura Premier, 26th St., Corner McKinley Parkway, Taguig, Metro Manila

Telepono: (02) 800-4262

Green Apple Dental Clinic

Address: 187 Nicanor Garcia, Bel-Air II, Makati City, Metro Manila

Telepono: (02) 8899-0731

Makati Dental Clinic

Address: Medical Towers Makati, V.A. Rufino St. cor. Dela Rosa St., Makati City, Metro Manila

Telepono: (02) 8812-7949

Shinagawa Orthodontics and Aesthetic Dentistry

Address: 21st Floor, Hanston Square Building, 17 San Miguel Avenue, Ortigas Center, Pasig City, Metro Manila

Telepono: (02) 368-5245

Winning Smiles Dental Clinic

Address: 2nd Floor, Promenade Building, Greenhills Shopping Center, San Juan City, Metro Manila

Telepono: (02) 8722-1243

Luzon

Ceballos Dental Clinic

Address: 13 A. Mabini Street, San Pedro, Laguna

Telepono: (02) 8421-7316

Dental First Clinic

Address: 2nd Floor, Robinsons Place, Malolos City, Bulacan

Telepono: (044) 896-1265

Dela Rama Dental Clinic

Address: 2nd Floor, LDC Building, Rizal Avenue, Olongapo City, Zambales

Telepono: (047) 223-2627

Smile City Dental Clinic

Address: 3rd Floor, Cabanatuan City Public Market, Maharlika Highway, Cabanatuan City, Nueva Ecija

Telepono: (044) 600-4471

Tooth and Go Dental Clinic

Address: 3rd Floor, Robinsons Place, Antipolo City, Rizal

Telepono: (02) 696-7384

Visayas

Cebu Dental Clinic

Address: Osmeña Blvd, Cebu City, Cebu

Telepono: (032) 255-3028

Iloilo Dental Clinic

Address: Gen. Luna St, Iloilo City Proper, Iloilo City, Iloilo

Telepono: (033) 337-0989

Negros Dental Clinic

Address: Lacson St, Bacolod City, Negros Occidental

Telepono: (034) 435-0163

Dental Hub Clinic

Address: A. Soriano Street, Dumaguete City, Negros Oriental

Telepono: (035) 422-6820

Ormoc Smile Dental Clinic

Address: Rizal St, Ormoc City, Leyte

Telepono: (053) 561-4576

Mindanao

Davao Dental Clinic

Address: Quirino Ave, Poblacion District, Davao City, Davao del Sur

Telepono: (082) 222-4045

Cagayan de Oro Dental Clinic

Address: Corrales Ave, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental

Telepono: (088) 856-1750

General Santos Dental Clinic

Address: Pendatun Ave, General Santos City, South Cotabato

Telepono: (083) 552-1458

Iligan Dental Clinic

Address: Quezon Ave, Iligan City, Lanao del Norte

Telepono: (063) 221-4678

Zamboanga Dental Clinic

Address: Mayor Jaldon St, Zamboanga City, Zamboanga del Sur

Telepono: (062) 991-4211

Iba pang mga Babasahin

Magkano ang Transvaginal Ultrasound

https://gamotsangipin.com/magandang-klase-ng-pustiso

Magkano ang Kidney Ultrasound

Magkano ang Operasyon sa Prostate sa Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *