September 11, 2024

Magkano ang operasyon sa Brain Tumor sa Pilipinas

Spread the love

Ang brain tumor ay isang mass o bukol ng abnormal na mga cell na lumalaki sa loob ng utak. Delikado ito kasi nasa tabi lang ng brain cells at kapag lumaki ng tuluyan ay pwedeng madisturb ang mga brain cells na ito na pwedeng magresulta sa sakit, dementia o kamatayan.

Ang mga tumubong tumor sa utak ay pwedeng benign (tumor na hindi kumakalat o nagiging sanhi ng iba pang mga karamdaman) or malignant tumor (agresibo at maaaring kumalat sa iba pang bahagi ng utak o katawan)

Ano ang Brain Tumor Surgery?

Ang Brain tumor surgery ay isang medical procedure kung saan binubuksan ang ulo para matanggal ang mga abnormal na laman na tumubo sa tabi ng utak natin. May ibang paraan pa ng pagpatay o pag alis ng tumor kagaya ng chemotheraphy or radiation theraphy. Ang pinaka main objective ng operasyon ay maiwasan ang mga negative symptoms na pwedeng manyari sa pasyente kapag lumaki ito at ma prevent ang neurological complications.

Bakit kailangan gawin ang Brain Tumor Surgery

Ang pinaka main reason bakit kailangan nating gawin ang brain tumor surgery ay para hindi na lumala pa ang mga sintomas ng may tumor sa utak. Ang pagtanggal ng tumor ay maaaring makabawas kasi ng presyon sa utak, maiwasan din ang pagkalat nito sa iba pang bahagi ng utak, at magbigay ng ginhawa sa mga sintomas na dulot ng tumor

Sintomas ng Brain Tumor

Maraming sintomas na lumalabas kapag may brain tumor at kadalasan ay may direktang epekto sa mga neurological functions ng katawan natin. Narito ang ilang sintomas.

  • Pangkaraniwang sakit ng ulo
  • Pagbabago sa paningin o paghina ng paningin (vision problems)
  • Pagbabago sa pag-iisip o pag-uugali
  • Pamamanhid o kahinaan sa isang bahagi ng katawan
  • Pagkahilo o pagsusuka
  • Problema sa paglakad
  • Pagbabago sa pandinig
  • Pagbabago sa panlasa

Paano malaman kung may Brain Tumor ang pasyente?

Kapag lumabas ang mga nabanggit na sintomas na, para makasiguro kailangan ipa-check up ang pasyente sa doktor. Ang diagnosis ng brain tumor ay karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng mga pagsusuri tulad ng MRI (magnetic resonance imaging) o CT (computed tomography) scan.

Magkano ang halaga ng operasyon ng Brain Tumor sa Pilipinas

Ang halaga ng operasyon sa Brain tumor sa Pilipinas ay pwedeng umabot ng Php 300,000 – Php 500,000 pesos.

Bukod pa sa halaga na ito ang hospitalization at mga gamot na gagamitin pre and post surgery kaya maigi na maging handa sa mga discount cards natin kagaya ng Philhealth.

Ano ang mga Risk ng may Tumor sa Utak

Paglaki o Pagkalat ng Tumor

Kapag ang tumor ay lumalaki, maaaring magdulot ito ng mas malaking presyon sa paligid na mga istraktura ng utak, na maaaring magdulot ng iba’t ibang mga sintomas tulad ng sakit ng ulo, pananakit, at mga problema sa pag-andar ng utak.

Pag-iral ng Sintomas

Ang mga sintomas na dulot ng tumor, tulad ng mga sakit ng ulo, pangangalig ng bahagi ng katawan, o pagbabago sa paningin o pandinig, ay maaaring manatili o lumala kung hindi matanggal ang tumor.

Pagkabulag o Pagkawala ng Paningin

Kung ang tumor ay nasa malapit sa bahagi ng utak na responsable para sa paningin, tulad ng optic nerve, ang hindi pagtanggal nito ay maaaring magresulta sa pagkabulag o pagkawala ng paningin.

Pagkawala ng Paggana ng Iba’t ibang Bahagi ng Katawan

Ito ay maaaring magdulot ng pagkakabalanse, pangangalig, o kahinaan, na maaaring makapagpahirap sa araw-araw na gawain ng pasyente.

Mga Komplikasyon sa Kalusugan

Mga komplikasyon sa kalusugan tulad ng seizures, stroke, o iba pang mga kondisyon na nauugnay sa pagtaas ng presyon sa utak.

Mga Hospital na pwede ang Brain Tumor Surgery

St. Luke’s Medical Center – Global City Address: Rizal Drive cor. 32nd Street, Bonifacio Global City, Taguig City, Metro Manila Telepono: (02) 8789-7700

Philippine General Hospital (PGH) Address: Taft Avenue, Ermita, Manila, Metro Manila Telepono: (02) 8554-8400

Makati Medical Center Address: 2 Amorsolo Street, Legaspi Village, Makati, Metro Manila Telepono: (02) 8888-8999

Asian Hospital and Medical Center Address: 2205 Civic Drive, Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City, Metro Manila Telepono: (02) 8771-9000

The Medical City Address: Ortigas Avenue, Pasig City, Metro Manila Telepono: (02) 8988-1000

National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Address: East Avenue, Diliman, Quezon City, Metro Manila Telepono: (02) 8929-0301

Cardinal Santos Medical Center Address: 10 Wilson St. Greenhills West, San Juan City, Metro Manila Telepono: (02) 8727-0001

Manila Doctors Hospital Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila, Metro Manila Telepono: (02) 524-3011

University of Santo Tomas Hospital Address: España Blvd, Sampaloc, Manila, Metro Manila Telepono: (02) 7314-1611

University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) Address: Taft Avenue, Ermita, Manila, Metro Manila Telepono: (02) 8554-8400

San Juan de Dios Hospital Address: 2772-2774 Roxas Blvd, Pasay, Metro Manila Telepono: (02) 8521-8450

Veterans Memorial Medical Center Address: North Avenue, Diliman, Quezon City, Metro Manila Telepono: (02) 8926-0380

Lung Center of the Philippines Address: Quezon Avenue, Quezon City, Metro Manila Telepono: (02) 8924-6101

De La Salle University Medical Center Address: Governor’s Drive, Dasmariñas City, Cavite Telepono: (046) 481-8000

Cebu Doctors’ University Hospital Address: Osmeña Blvd, Cebu City, Cebu Telepono: (032) 255-5555

Iba pang mga Babasahin

Magkano ang Bone Scan Test

Magkano ang CT Scan sa Ulo sa Pilipinas?

Magkano ang PET Scan

Magkano ang Gamot sa Syphilis sa Pilipinas

2 thoughts on “Magkano ang operasyon sa Brain Tumor sa Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *