Ang tuberculosis (TB) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bakterya na tinatawag na Mycobacterium tuberculosis. Karaniwan itong nakaaapekto sa baga, ngunit maaari rin itong makaapekto sa ibang bahagi ng katawan tulad ng mga buto, balat, o mga organs ng tao.
Ano ano ang mga Sintomas ng Tubercolosis sa isang affected na Pasyente
Mahalagang malaman ang kaibahan ng sintomas ng Tubercolosis o TB sa mga normal na sakit kagaya ng ubo at bronchitis. Halos parehas kasi ang kanilang mga pinapakita. Pero kakaiba sa nabanggit na mga sakit ang tubercolosis ay sadyang mas malubha kumpara sa kanila. Narito ang basi na sintomas ng TB sa mayroon nito.
-Ubo na tumatagal ng higit sa tatlong linggo.
-Pagsusuka ng dugo.
-Pagsakit ng dibdib.
-Pagkakaroon ng lagnat, pagpapawis sa gabi, o panginginig.
-Pagkakaroon ng pagbaba ng timbang nang walang malinaw na dahilan.
-Pagkakaroon ng panghihina o pagkabahala.
Paano malalaman kung may Tubercolosis ang Pasyente?
1. Chest X-ray
-Sa X-ray makikita ang kondisyon ng baga. Karaniwan sa taong mayroong TB sa X-ray ay makikita na may malabong bahagi sa baga ng tao. Minsan kapag may gumaling na sa sakit na TB ay makikita ang Fibrosis at Scarring din.
2. Sputum test
-Sa sputum test ay nagdedetect ng ang Mycobacterium tuberculosis bacteria sa plema
3. Tuberculin Skin Test (TST) o Mantoux Test
-Ito ay isang karaniwang diagnostic tool upang suriin ang pagkakaroon ng latent TB infection (LTBI), na isang estado kung saan ang tao ay nahawahan ng bakterya ngunit hindi nagpapakita ng aktibong sakit
4. Interferon Gamma Release Assay (IGRA)
-Ito ay isang blood test na ginagamit upang matukoy kung ang isang tao ay may latent tuberculosis (TB) infection. Ang latent TB infection ay isang estado kung saan ang isang tao ay nahawahan ng Mycobacterium tuberculosis ngunit hindi nagpapakita ng aktibong sakit o sintomas ng TB
Magkano ang gamutan sa Tubercolosis o TB?
Sa Pilipinas dahil sa covered ng program ng Department of Health ang pag gamot sa TB ay posibleng maging libre ito. Makipag ugnayan lamang sa mga Philhealth centers sa Pilipinas o sa baranggay Health centers para sa agarang pag gamot.
Kapag may balak ang pasyente naman na ipagamot ito sa private na hospital o doktor ang halaga ng gamutan ay pwedeng umabot ng hanggang Php 600,000 pesos. Dahil sa may mga tests na kailangan at matagalan ang gamutan (usually at least 6 months na tuloy tuloy na paginom ng gamot ang halaga ay pwedeng mas mataas pa dahil sa mga tests na gagawin gaya ng X-ray, sputum tests, blood tests, etc.
Ang initial TB screening sa pilipinas ay pwedeng magkahalaga ng at least Php 300 pesos. At least Php 7,000 pesos para sa rapid confirmatory diagnostic test.
Source: https://healthylungs.ph/index.php/news-and-articles/the-cost-of-tb-care-in-the-philippines
Covered ba ng Philhealth ang Gamot sa Tubercolosis?
Ayon kay Dr. Jennifer Joyce Pira isang medical officer ng DOH sa Cordillera, ang Tubercolosis ay covered ng Philhealth sa Pilipinas. Nasabi niya ito sa isang panayam sa Media para magbigay sa awareness ng pag gamot sa nakakahawang sakit na ito.
Mga Hospital sa Metro Manila na may kakayahan magamot ang Tubercolosis o TB sa Pilipinas
Philippine General Hospital (PGH):
Address: Taft Avenue, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila
Telepono: +63 2 8526 4360
Lung Center of the Philippines:
Address: Quezon Avenue, Quezon City, 1104 Metro Manila
Telepono: +63 2 8924 6101
San Lazaro Hospital:
Address: J. Fajardo St. Sta. Cruz, Manila, 1003 Metro Manila
Telepono: +63 2 8733 2231
East Avenue Medical Center:
Address: East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104 Metro Manila
Telepono: +63 2 8924 0611
Makati Medical Center:
Address: 2 Amorsolo Street, Legaspi Village, Makati City, 1229 Metro Manila
Telepono: +63 2 8888 8999
The Medical City:
Address: Ortigas Avenue, Pasig City, 1600 Metro Manila
Telepono: +63 2 8988 1000
Jose Reyes Memorial Medical Center:
Address: Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila, 1003 Metro Manila
Telepono: +63 2 8558 8400
Manila Doctors Hospital:
Address: UN Avenue, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila
Telepono: +63 2 8558 0888
St. Luke’s Medical Center – Quezon City:
Address: E. Rodriguez Sr. Blvd, Quezon City, 1112 Metro Manila
Telepono: +63 2 8723 0101
St. Luke’s Medical Center – Global City:
Address: 32nd St. & 5th Ave., Bonifacio Global City, Taguig, 1634 Metro Manila
Telepono: +63 2 8789 7700
Quirino Memorial Medical Center:
Address: Katipunan Avenue, Project 4, Quezon City, 1109 Metro Manila
Telepono: +63 2 8914 5861
UP-Philippine General Hospital Medical Center:
Address: Taft Avenue, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila
Telepono: +63 2 8526 4360
University of Santo Tomas Hospital:
Address: España Blvd, Sampaloc, Manila, 1015 Metro Manila
Telepono: +63 2 8523 0680
National Kidney and Transplant Institute:
Address: East Avenue, Diliman, Quezon City, 1100 Metro Manila
Telepono: +63 2 8929 3756
Mandaluyong City Medical Center:
Address: Boni Avenue, Mandaluyong City, 1550 Metro Manila
Telepono: +63 2 8532 0153
Ospital ng Maynila Medical Center:
Address: Malate, Manila, 1004 Metro Manila
Telepono: +63 2 8523 0947
Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium:
Address: Tala, Caloocan City, 1427 Metro Manila
Telepono: +63 2 8647 1900
Pasig City General Hospital:
Address: Caruncho Ave., Pasig City, 1609 Metro Manila
Telepono: +63 2 8635 8012
Valenzuela Medical Center:
Address: Pio Valenzuela Street, Karuhatan, Valenzuela City, 1441 Metro Manila
Telepono: +63 2 8294 4950
Rizal Medical Center:
Address: Pasig Blvd., Pasig City, 1600 Metro Manila
Telepono: +63 2 8636 1667
Tandaan na dahil sa pagbabago ng impormasyon at mga contact details, mahalaga na tawagan o bisitahin ang website ng mga ospital upang makumpirma ang mga serbisyo, address, at contact information bago bumisita o magtanong tungkol sa paggamot sa TB.
Paano nakakahawa ang TB sa ibang Tao?
Ang tuberculosis (TB) ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bakterya na tinatawag na Mycobacterium tuberculosis. Ang sakit na ito ay karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng hangin mula sa isang taong may aktibong TB sa baga papunta sa iba. Narito kung paano maaaring mahawa ang isang tao sa TB.
Paglanghap ng Bakterya
Ang pangunahing paraan ng pagkalat ng TB ay sa pamamagitan ng paglanghap ng mga maliliit na droplets o particle na naglalaman ng bakterya mula sa ubo o pagbahing ng isang taong may aktibong TB sa baga.
Close Contact
Ang mas mataas na panganib ng pagkalat ng TB ay nangyayari kapag ang isang tao ay may malapit na contact sa isang taong may aktibong TB, halimbawa, sa loob ng parehong bahay o sa mga lugar na may limitadong bentilasyon.
Kapag ang Pasiente ay Nagkaroon ng Aktibong TB
Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng aktibong TB sa baga, siya ay maaaring maglabas ng bakterya sa hangin tuwing siya ay umuubo, bumabahin, o nagsasalita.
Latent TB Infection
Ang mga taong may latent TB infection (LTBI) ay hindi nakakakahawa dahil wala silang aktibong sakit at hindi nagpapalabas ng bakterya sa hangin.
Hindi Karaniwang Mga Paraan ng Pagkalat
Bagaman mas bihira, maaaring magkaroon ng TB sa ibang bahagi ng katawan (tulad ng lymph nodes, buto, o balat) at maipasa sa iba sa pamamagitan ng direktang kontak ng mga sugat o likido.
One thought on “Magkano ang gamot sa Tuberculosis o TB sa Pilipinas?”