November 6, 2024

Magkano ang Urinalysis sa Pilipinas

Spread the love

Ang urinalysis ay isang laboratory test na ginagamit upang suriin ang ihi (urine). Ito ay isang mahalagang diagnostic tool na tumutulong sa mga doktor na tuklasin at masuri ang iba’t ibang mga kondisyon sa kalusugan, mula sa mga impeksyon sa ihi (urinary tract infections) hanggang sa mga problema sa bato (kidney disease).

Ang urinalysis ay maaaring isagawa bilang bahagi ng isang routine check-up, pre-surgery evaluation, o upang subaybayan ang pag-unlad ng isang partikular na sakit.

Ano ang mga tinitignan sa Urinalysis

Visual Examination

-Normal na kulay ng ihi ay mula sa pale yellow hanggang deep amber. Ang mga pagbabago sa kulay ay maaaring magpahiwatig ng iba’t ibang kondisyon (hal. dark yellow urine maaaring magpahiwatig ng dehydration).

-Ang ihi ay karaniwang clear. Ang cloudy o turbid urine ay maaaring magpahiwatig ng presensya ng bacteria, blood, sperm, crystals, o mucus.

Chemical Examination

-Sinusukat ang acidity o alkalinity ng ihi. Normal na pH range ay mula 4.5 hanggang 8.

– Ang normal na ihi ay may mababang levels ng protein. Ang mataas na antas ng protein ay maaaring magpahiwatig ng kidney disease.

-Ang normal na ihi ay walang glucose. Ang presensya nito ay maaaring magpahiwatig ng diabetes.

-Hindi dapat naroroon sa normal na ihi. Ang pagkakaroon nito ay maaaring magpahiwatig ng diabetes o ibang metabolic disorders.

– Ang pagkakaroon nito (Bilirubin) sa ihi ay maaaring magpahiwatig ng liver disease.

-Ang normal na ihi ay walang blood. Ang presensya nito ay maaaring magpahiwatig ng iba’t ibang kondisyon tulad ng infection, kidney disease, o bladder cancer.

-Ang presensya ng nitrates ay maaaring magpahiwatig ng bacterial infection.

-Ang pagkakaroon nito (Leukocyte Esterase) ay maaaring magpahiwatig ng infection sa urinary tract.

Microscopic Examination

-Normal na ihi ay walang o kaunting RBCs (Red Blood Cells). Ang mataas na bilang ay maaaring magpahiwatig ng kidney stones, infection, o trauma.

Ang presensya ng WBCs (White Blood Cells ) ay maaaring magpahiwatig ng infection o inflammation sa urinary tract.

-Ang pagkakaroon ng bacteria sa ihi ay karaniwang indikasyon ng urinary tract infection.

– Ang ilang uri ng crystals ay maaaring normal, ngunit ang iba ay maaaring magpahiwatig ng kidney stones.

-(Casts) Ito ay mga cylindrical structures na maaaring magpahiwatig ng kidney disease.

Bakit kailangan ng Urinalysis

Ang karaniwang dahilan ng pag-conduct ng urinalysis sa pasyente ay para makita ang mga sakit na nabanggit sa mga tinitignan sa urinalysis kagaya ng mga UTI, bacterial infection, viral ifections o sakit sa bato.

Maaaring gamitin ang urinalysis upang suriin ang pagkakaroon ng glucose o ketones sa ihi, na mahalaga sa pagmamanman at pamamahala ng diabetes.

Ang pagkakaroon ng bacteria, pus cells, at red blood cells sa ihi ay maaaring magpahiwatig ng impeksyon sa urinary tract.

Karaniwan ginagawa padin ang urinalysis para sa mga pre-employment for drug presence testing.

Magkano ang Urinalysis sa Pilipinas

Ang urinalysis sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng Php 100 – Php 250 pesos.

Minsan ay sinasama ang urinalysis sa mga pre-employment packages sa Pilipinas at ang halaga ay pwedeng umabot ng Php 400 – Php 790 pesos.

Source: https://djrmh.doh.gov.ph/rates-and-fees/laboratory-fees, https://www.facebook.com/vlfmedicalclinic/posts/urinalysis-fecalysis-drug-test-and-xray-p55000/420046428392866/

Mga clinic sa Manila na may Urinalysis

Manila Doctors Hospital

Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila

Telepono: +63 2 8558 0888

Philippine General Hospital (PGH)

Address: Taft Ave, Ermita, Manila

Telepono: +63 2 8554 8400

Metropolitan Medical Center

Address: 1357 G. Masangkay St, Sta. Cruz, Manila

Telepono: +63 2 8712 0639

UST Hospital (University of Santo Tomas Hospital)

Address: Espana Blvd, Sampaloc, Manila

Telepono: +63 2 8731 3001

Mary Chiles General Hospital

Address: 667 Gastambide St, Sampaloc, Manila

Telepono: +63 2 8735 1780

Medical Center Manila (MCM)

Address: 1122 T.M. Kalaw St, Ermita, Manila

Telepono: +63 2 8524 3011

Ospital ng Maynila Medical Center

Address: Quirino Avenue, Malate, Manila

Telepono: +63 2 8524 6061

Manila Adventist Medical Center

Address: 1975 Donada St, Pasay City (near Manila)

Telepono: +63 2 8554 4848

Hi-Precision Diagnostics Plus – Manila

Address: 1001 Padre Faura St, Ermita, Manila

Telepono: +63 2 8527 6304

Healthway Medical Clinic – SM City Manila

Address: 5th Level, SM City Manila, Concepcion St. corner Arroceros St., Ermita, Manila

Telepono: +63 2 8582 8222

Iba pang mga Babasahin

Magkano ang Oral Prophylaxis sa Pilipinas

Magkano ang Gamot sa Hepatitis?

Magkano ang magpa Pustiso sa Pilipinas?

Magkano ang Transvaginal Ultrasound

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *