September 11, 2024

Magkano ang Oral Prophylaxis sa Pilipinas

Spread the love

Ang oral prophylaxis ay isang dental procedure na kilala rin bilang dental cleaning o teeth cleaning sa pilipinas. Ang pangunahing layunin nito ay mapanatili ang kalusugan ng bibig sa pamamagitan ng pag-aalis ng plaque, tartar , at mga stain mula sa ngipin at gilagid. Ito ay isang mahalagang bahagi ng regular na dental care at karaniwang inirerekomenda ng mga dentista na gawin nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang taon.

Ano ang ginagawa sa oral propylaxis o dental cleaning?

Sa normal na kondisyon ang paglilinis ng ngipin ay hindi tumatagal ng 30 minutes. Pero pwedeng humaba ito kapag may mga nakita na sira sa ngipin na kailangan bunutin o di naman magkaroon ng tinatawag na mga dental filling.

Kapag wala namang nakita ito ang mga ginagawa na normal ng dentista sa dental cleaning.

-Sisimulan ng dentista o dental hygienist ang proseso sa pamamagitan ng pagsusuri sa bibig, ngipin, at gilagid upang tiyakin na walang mga seryosong problema tulad ng cavities o periodontal disease.

-Gamit ang mga espesyal na tool tulad ng scalers at curettes, aalisin ang plaka at tartar mula sa ibabaw ng ngipin, pati na rin mula sa mga lugar na malapit sa gilagid (gumline). Maaaring gumamit din ng ultrasonic scaler, na gumagamit ng mga high-frequency vibrations para matanggal ang mas matitigas na deposits.

-Matapos alisin ang plaque at tartar, ang mga ngipin ay ipo-polish upang matanggal ang mga natitirang stain at gawing makinis ang ibabaw ng ngipin. Ito ay karaniwang ginagawa gamit ang isang rubber cup at prophylaxis paste na may mild abrasive

Sa ilang pagkakataon, maaaring maglagay ng fluoride treatment ang dentista upang palakasin ang enamel ng ngipin at makatulong sa pag-iwas sa tooth decay.

Bakit mahalaga ang Oral Prophylaxis

Maraming benepisyo ang pag papa dental cleaning ng madalas sa dentista. Tandaan na ang nga ngipin natin ay bahagi ng katawan na kapag napabayaan ay nasisira siya dahil sa mga bacteria sa bunganga natin.

– Ang regular na oral prophylaxis ay nakakatulong upang maiwasan ang mga sakit sa bibig tulad ng tooth decay at gum disease sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga sanhi ng bakterya at plaka.

-Sa bawat cleaning session, may pagkakataon ang dentista na masuri ang iyong bibig at tuklasin ang anumang maagang palatandaan ng dental problems, tulad ng cavities, gum disease, o oral cancer

-Ang regular na cleaning ay nakakatulong sa pag-iwas sa masamang amoy ng hininga (halitosis) sa pamamagitan ng pag-aalis ng plaka at tartar na maaaring maging sanhi ng amoy.

Gaano kadalas ba dapat ang dental cleaning?

Ang mga bata ay karaniwang inirerekomenda na magpa-cleaning tuwing anim na buwan upang masubaybayan ang paglaki at pag-develop ng kanilang ngipin, pati na rin maiwasan ang tooth decay.

Samantalang ang mga may mataas na panganib sa dental issues tulad ng mga naninigarilyo, mga taong may diabetes, mga buntis, o may mahinang immune system, ay maaaring kailanganing magpa-cleaning ng mas madalas.

Mas madalas ang paglilinis sa mga pasyente na mayroong mga known na problema sa ngipin. Ang mga taong may kasaysayan ng gum disease (periodontitis) ay maaaring kailanganing magpa-cleaning tuwing tatlo hanggang apat na buwan upang maiwasan ang paglala ng sakit at mapanatili ang kalusugan ng gilagid.

Magkano ang Dental cleaning o Oral prophylaxis sa Pilipinas

Ang presyo ng oral prophylaxis sa Pilipinas ay depende sa tagal ng pag dental clining ng dentist. Kapag ang paglilinis ay mas matagal, mas mataas din ang charge na pwedeng ibigay sa iyo. Mas mahal din ito kapag sa mga commercial establishments gaya ng sa SM ginagawa kumpara sa mga private clinics.

Sa Pilipinas ang halaga ng oral prophylaxis ay nasa Php 600 pesos – Php 3,000 pesos.

Kapag sa public na lugar ang halaga ay nasa Php 600 – Php 1,500 pesos samantalang kapag sa mga known establishments ay nasa Php 1,500 – Php 3,000 pesos. Minsan kapag may mga dental filling na gagawin or kailangan bunutin pwede tumaas pa ang mga halaga na ito.

Listahan ng Dental clinic sa Manila

Gan Advanced Osseointegration Center (GAOC)

Address: Ground Floor, The Residences at Greenbelt, Makati, Metro Manila

Telepono: (02) 757-8064

Sacred Heart Dental Clinic

Address: 1625 M. Adriatico St, Malate, Manila, 1004 Metro Manila

Telepono: (02) 523-4143

Manila Dental Clinic

Address: 1227 United Nations Ave, Paco, Manila, 1007 Metro Manila

Telepono: (02) 525-4230

The Smile Bar

Address: 2nd Floor Uptown Parade, 36th Street, Uptown Bonifacio, Taguig, 1634 Metro Manila

Telepono: (02) 802-8075

Solis Dental Clinic

Address: 2nd Floor, Times Plaza Building, United Nations Ave, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila

Telepono: (02) 310-0891

Makati Dental Clinic

Address: 8th Floor, Medical Plaza Makati, Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati, Metro Manila

Telepono: (02) 818-2535

ProDental Clinic

Address: 2nd Floor, LSC Building, 2295 Taft Avenue, Malate, Manila, 1004 Metro Manila

Telepono: (02) 525-0969

Green Apple Dental Clinic

Address: 15th Floor, Robinsons Summit Center, Ayala Avenue, Makati, Metro Manila

Telepono: (02) 848-7000

Tooth & Go Dental Clinic

Address: G/F, 39 Aguirre Ave, BF Homes, Parañaque, 1720 Metro Manila

Telepono: (02) 519-1768

Affinity Dental Clinics

Address: 2nd Floor, Commercenter Building, 31st Street corner 4th Avenue, Bonifacio Global City, Taguig, 1634 Metro Manila

Telepono: (02) 541-2855

Iba pang mga Babasahin

Magkano ang Gamot sa Hepatitis?

Magkano ang magpa Pustiso sa Pilipinas?

Magkano ang Transvaginal Ultrasound

Magkano ang Kidney Ultrasound

One thought on “Magkano ang Oral Prophylaxis sa Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *