September 11, 2024

Magkano magpatanggal ng Ganglion cyst

Spread the love

Ang ganglion cyst ay isang uri ng bukol na karaniwang lumilitaw sa mga ligament, tendon, singit sa mga buto ng isang tao, lalo na sa palad, likod ng pulso, o sa ibabaw ng daliri. Ito ay karaniwang may laman na gel like na likido mula sa mga loob ng mga kasukasuan o mga buto sa paligid nito. Hanggang sa ngayon hindi padin matukoy kung ano ang dahilan nito pero mas mataas na magkaroon ng tsansa nito ang mga may strenous activity kagaya ng mga athletes karpintero at iba pa. Sa mga may arthritis ay mataas din ang tsansa na magkaroon ng cyst.

Hindi cancerous ang ganglion cyst kaya wag masyadong maging nerbyoso kung nakakita ka ng tumutubo sa iyong wrist o mga joints. Pero dahil abnormal na pagtubo ito ng laman ay kailangan nating ipatanggal. Nakaka irritate kasi ito ng mga adjacent nerves kung saan ito tumubo at kapag nadiinan ay pwedeng maging masakit.

Sintomas na mayroong Ganglion Cyst

-Ang ganglion cyst ay kadalasang maliit, bilog, o oval na bukol na maaaring maging malambot o tigas sa pagtama. Ito ay maaaring mag-iba-iba ang laki, mula sa ilang millimeters hanggang sa ilang sentimetro.

-Ang mga eksperto ay naniniwala na ito ay maaaring sanhi ng pagbabago sa likido sa loob ng mga kasukasuan o sa mga ligament at tendon.

-Maaaring magdulot ito ng kirot o pangangalay sa paligid na lugar kung ito ay nagsasagawa ng presyon sa mga kalamnan

-Para maverify kung ganglion cyst nga ang tumutubo sa mga kasukasuan, gumagamit ang doktor ng ultrasound o MRI scan

Kailan dapat ipatanggal ang Ganglion cyst

-Pinapatanggal lamang ang ganglion cyst kapag nagbibigay na ito ng discomfort sa pasyente. Lalo na kung me nararamdaman na sakit kapag nauuntog ito o habang nagtatrabaho tayo.

-Kung ang ganglion cyst ay lumalaki nang mabilis din o nagiging mas malaki, maaaring ito ay nagpapahiwatig ng potensyal na komplikasyon.

-Kung ang ganglion cyst ay nagdudulot ng pagpipigil sa normal na pag-andar ng kamay, pulso, o iba pang bahagi ng katawan, tulad ng limitadong paggalaw o pagkilos pwede nang i-consider na ipatanggal din ito.

Ano ang risk ng pagtanggal ng Ganglion Cyst

Dahil sa operasyon lamang pwedeng tanggalin ang ganglion cyst ang risk pagkatapos matanggal ito ay parehas din sa ibang operasyon. Pwedeng magkaroon ng infection at magkaroon ng mga sintomas gaya ng pamamaga, pamumula, kirot, at pag-init sa lugar ng operasyon.

Ang operasyon din para sa pagtanggal ng ganglion cyst ay maaaring makaapekto sa kalapit na kalamnan, tendon, o nerve. Ito ay maaaring magdulot ng pagkahilig, pagkawala ng pakiramdam, o kahirapan sa paggalaw ng apektadong bahagi ng katawan.

Maaaring magkaroon padin ng mga allergic na reaksiyon sa mga gamot o mga materyal na ginagamit sa operasyon, tulad ng anesthesia o mga sealant.

Magkano magpatanggal ng Ganglion Cyst sa Pilipinas?

Ang presyo ng pagtanggal ng ganglion cysts sa Pilipinas ay nasa Php 2,000 hanggang Php 6,000 pesos. Minor surgery lang ang ginagawa dito at nasa coverage ito ng Philhealth natin.

Maari bang bumalik ang Cyst?

Kahit na tinanggal na ang ganglion cyst, maaari itong bumalik o magkaroon ng pag-ulit sa parehong lugar o sa ibang bahagi ng katawan.

Ang tsansa na bumalik ito ay nasa 15-20% ayon sa mga dermatologist.

Mga Hospital na pwede magtanggal ng Ganglion Cyst

St. Luke’s Medical Center – Global City

Address: 32nd St, Taguig, Metro Manila

Telepono: +63 2 8789 7700

The Medical City

Address: Ortigas Ave, Pasig, Metro Manila

Telepono: +63 2 8988 1000

Makati Medical Center

Address: 2 Amorsolo Street, Legaspi Village, Makati, 1229 Metro Manila

Telepono: +63 2 8888 8999

Asian Hospital and Medical Center

Address: 2205 Civic Dr, Alabang, Muntinlupa, 1780 Metro Manila

Telepono: +63 2 8771 9000

Manila Doctors Hospital

Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila

Telepono: +63 2 524 3011

Cardinal Santos Medical Center

Address: 10 Wilson St, Greenhills West, San Juan, 1500 Metro Manila

Telepono: +63 2 8727 0001

Philphealth para sa operasyon sa Ganglion Cyst

Nasa coverage ng Philhealth sa pilipinas ang operasyon para sa Ganglion cyst kaya maigi na makipagugnayan sa kanila para sa kaukulang discount o coverage.

Source: https://www.philhealth.gov.ph/circulars/2015/annexes/circ08_2014/Annex2_ListofProcedureCaseRatesRevision1.pdf

Iba pang mga Babasahin

Magkano magparetoke ng Ilong?

Magkano magpatanggal ng Ovarian Cyst

Magkano ang Operasyon sa Aneurysm – Brain, Aortic, Abdominal

Magkano ang CT Scan sa Ulo sa Pilipinas?

One thought on “Magkano magpatanggal ng Ganglion cyst

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *