Magkano ang Oral Prophylaxis sa Pilipinas
Ang oral prophylaxis ay isang dental procedure na kilala rin bilang dental cleaning o teeth cleaning sa pilipinas. Ang pangunahing layunin nito ay mapanatili ang kalusugan ng bibig sa pamamagitan ng pag-aalis ng plaque, tartar , at mga stain mula sa ngipin at gilagid. Ito ay isang mahalagang bahagi ng regular na dental care at karaniwang inirerekomenda ng mga dentista na gawin nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang taon.