November 21, 2024

Magkano ang Transvaginal Ultrasound

Spread the love

Ang transvaginal ultrasound ay isang uri ng ultrasound na ginagamit upang masuri ang mga organs sa loob ng pelvis ng babae, tulad ng matris, obaryo, at cervix. Sa halip na ilagay ang transducer sa ibabaw ng tiyan, ang transvaginal ultrasound ay gumagamit ng isang espesyal na probe na ipinapasok sa loob ng ari ng babae.

Possible ba na buntis, gustong maconfirm kung buntis, or may vaginal bleeding kahit na menopause kana? Pwede ngang magrecommend ang doktor or Obgyne mo ng transvaginal ultrasound.

Ang probe na gamit ay 2 – 3 inches ang haba at ipinapasok sa loob nga ng ari ng babae. Very safe ito kasi walang radiation.

Ano ang gamit ng Transvaginal Ultrasound

Maraming reason bakit ito ginagawa ng mga doktor, lalo na kung halimbawa nagpa general check up ka at may nakapa sa mga abdominal lumps, pwede itong i-recommend ng doktor. Narito ang madalas na mga reason bakit ginagawa ang ganitong klase ng ultrasound.

1. Pwede itong gamitin upang masuri ang maagang yugto ng pagbubuntis, matukoy ang heartbeat ng embryo, at makita ang posisyon ng fetus sa matris.

2. Maari din naman tukuyin ang mga kondisyon tulad ng ovarian cysts, fibroids, pelvic inflammatory disease (PID), at iba pang abnormalidad sa reproductive organs.

3. Para sa mga babaeng may hindi normal na pagdurugo, ang transvaginal ultrasound ay makakatulong sa pagtukoy ng posibleng dahilan.

4. Upang suriin ang mga isyu na maaaring nakakaapekto sa fertility tulad ng mga problema sa obaryo o fallopian tubes.

Paano ginagawa ang transvaginal Ultrasound

Kelangan na merong recommendation ng Obgyne bago gawin ang ultrasound na ito para alam ang dahilan or suspect na problema na gustong makita ng doktor. Hindi ito gagawin ng base lang sa kagustuhan ng pasyente.

May mga initial interview na gagamitin bago ito isagawa kagaya ng mga allergy dahil sa latex na gagamitin sa probe, kung ano ang period history, or kung me active vaginal bleeding. Kailangan nila ito para sa mga konsiderasyon.

Sa unang paghahanda ng pagpunta para sa transvaginal ultrasound, bago ang pagsusuri, maaaring ipahiling ng doktor na umiwas sa pag-ihi upang mas maging malinaw ang imahe ng pelvic organs. Halimbawa ng pwesto ng pasyente ang nasa larawan sa baba.

Sa posisyon naman ng pagkuha ng ultrasound ang pasyente ay uutusang humiga sa isang mesa na may mga stirrup upang maiangat at suportahan ang mga paa, tulad ng posisyon sa isang pelvic exam.

Pagkatapos makapwesto na ang pasyente gagamitin na ang transvaginal Probe: Ang transducer, na hugis pahaba at mas maliit kaysa sa karaniwang ultrasound transducer, ay inilalagay sa loob ng ari. Madalas, ang probe ay tatakpan ng condom at papahiran ng gel upang mas madali at komportable ang pagpasok.

Kapag kukuning na ang ultrasound, ang probe ay magpapadala ng sound waves na magbibigay ng detalyadong imahe ng mga pelvic organs sa monitor. Ang doktor o sonographer ay maaring ilipat-lipat ang probe upang makakuha ng iba’t ibang anggulo at malinaw na imahe.

Masakit ba ang Transvaginal Ultrasound?

Hindi naman masakit ang transvaginal ultrasound. Para hindi mahapdi ang paggamit ng probe may gel na inilalagay dito para smooth ang pagpasok ng probe. May discomfort na mararamdaman pero hindi ito masakit at pwedeng sabihin sa doktor or sonographer kung may nararamdaman na hindi komportable. 10 – 15 minutes lang ang procedure na ito kaya mabilis lang matapos.

After 1 hour pwedeng ng magkaroon ng results at pag naka print na ang results pwedeng dalhin na ito sa iyong doktor kung hindi dun sa mismong clinic ng doktor ginawa.

Paano pag virgin pa ang pasyente may alternative ba sa transvaginal ultrasound? Merong alternative ang tinatawag na transrectal ultrasound kung saan sa pwet nalang ito ipapadaan.

Magkano ang Transvaginal Ultrasound sa Pilipinas

Ang halaga ng Transvaginal Ultrasound sa Pilipinas ay pwedeng umabot ng Php 700 pesos – Php 1,600 pesos.

Sa mga private clinic ang transvaginal ultrasound at umaabot ng Php 2,700 pesos. Mas mahal din ng kunti kapag 3D image ang gagawin.

Source: https://djrmh.doh.gov.ph/rates-and-fees/radiology-fees

Mga Hospital na may Transvaginal Ultrasound

Metro Manila

  1. St. Luke’s Medical Center – Quezon City
    • Address: 279 E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City, Metro Manila
    • Telepono: (02) 8723-0101
  2. The Medical City – Ortigas
    • Address: Ortigas Ave, Pasig, Metro Manila
    • Telepono: (02) 8988-1000
  3. Makati Medical Center
    • Address: 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati City, Metro Manila
    • Telepono: (02) 8888-8999
  4. Asian Hospital and Medical Center
    • Address: 2205 Civic Dr, Alabang, Muntinlupa, Metro Manila
    • Telepono: (02) 8771-9000
  5. Philippine General Hospital
    • Address: Taft Ave, Ermita, Manila, Metro Manila
    • Telepono: (02) 8554-8400

Luzon

  1. University of Santo Tomas Hospital
    • Address: España Blvd, Sampaloc, Manila, Metro Manila
    • Telepono: (02) 8731-3001
  2. De La Salle University Medical Center
    • Address: Congressional Ave, Dasmariñas, Cavite
    • Telepono: (046) 481-8000
  3. Capitol Medical Center
    • Address: Quezon Ave, Diliman, Quezon City, Metro Manila
    • Telepono: (02) 8372-3825
  4. Cardinal Santos Medical Center
    • Address: 10 Wilson St, Greenhills West, San Juan, Metro Manila
    • Telepono: (02) 8727-0001
  5. Manila Doctors Hospital
    • Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila, Metro Manila
    • Telepono: (02) 8558-0888

Visayas

  1. Chong Hua Hospital
    • Address: Don Mariano Cui St, Cebu City, Cebu
    • Telepono: (032) 255-8000
  2. Cebu Doctors’ University Hospital
    • Address: Osmeña Blvd, Cebu City, Cebu
    • Telepono: (032) 255-5555
  3. Iloilo Doctors’ Hospital
    • Address: 8 Infante, Molo, Iloilo City, Iloilo
    • Telepono: (033) 337-7702
  4. West Visayas State University Medical Center
    • Address: E Lopez St, Jaro, Iloilo City, Iloilo
    • Telepono: (033) 320-2431
  5. Riverside Medical Center
    • Address: B.S. Aquino Drive, Bacolod City, Negros Occidental
    • Telepono: (034) 433-2699

Mindanao

  1. Davao Doctors Hospital
    • Address: 118 E Quirino Ave, Poblacion District, Davao City, Davao del Sur
    • Telepono: (082) 222-8000
  2. Northern Mindanao Medical Center
    • Address: Capitol Compound, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental
    • Telepono: (088) 858-3114
  3. SPMC (Southern Philippines Medical Center)
    • Address: J.P. Laurel Ave, Bajada, Davao City, Davao del Sur
    • Telepono: (082) 227-2731
  4. Maria Reyna-Xavier University Hospital
    • Address: Hayes St, Cagayan de Oro, Misamis Oriental
    • Telepono: (088) 858-3179
  5. Butuan Doctors’ Hospital
    • Address: Montilla Blvd, Butuan City, Agusan del Norte
    • Telepono: (085) 342-7066

Iba pang mga Babasahin

Magkano ang Kidney Ultrasound

Magkano ang Operasyon sa Prostate sa Pilipinas

Magkano ang Operasyon sa Ectopic Pregnancy

Magkano ang panganganak sa Public Hospital?

One thought on “Magkano ang Transvaginal Ultrasound

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *