January 15, 2025

Magkano ang Gamot sa Syphilis sa Pilipinas

Spread the love

Ang syphilis ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bakterya na Treponema pallidum. Ito ay kadalasang naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang taong may impeksyon. Pwede din maisalin ito ng nanay kung may sanggol sa sinapupunan.

Ang bacteria na dahilan ng syphilis ay ang tinatawag na Treponema pallidum.

Ano ang mga Sintomas ng Syphilis

Mayroong tatlong estado ang sakit na Syphillis sa katawan ng infected na tao. Ang gamutan ay nakabatay din kung anong klase ng stage na ito.

1. Primary syphilis

-Sa panahon na ito ay nanatili na nakatago ang bacteria sa infected na tao. 10days to 3 months bago ito makapasok sa katawan. May mga lalabas na chancres sa katawan pero kusa itong nawala after 2-3 weeks na lumabas. Ang bacteria ay mananatili sa katawan ng tao pagkatapos nito

2. Secondary syphilis

Kasunod ng primary syphilis ay secondary naman kung saan mas madami na itong sintomas kagaya ng sumusunod.

-Lagnat

-Panakait ng ulot

-fever

-muscle ache

-pagbaba ng timbang

Kung hindi magamot ang sakit na ito ay pwedeng magpabalik balik ang mga sintomas kahit na gumaling na noong nakaraan.

3. Tertiary or latent phase

Pwedeng tumagal ang bacteria ng syphillis sa tao ng 10-30 years bago lumabas ang ibang mga sintomas. Kabilang dito ang mga mas malalang sakit kagaya ng pagkasira ng bahagi ng katawan

-Liver

-Buto

-Joints

-Blood vessels

Karaniwan ding nagiging dahilan ng mga problem sa puso.

-heart failure

-angina

-heart stroke

-aortic aneurysm

-aortitis

Sa malala pang mga sintomas, pwedeng magkaroon ng tinatawag na neurosyphilis kung saan apektado na ang pag-iisip ng tao.

-vison loss

-headaches

-confusion o malabong pagiisip

-kulang sa konsentrasyon

-panghihina

Paano gamutin ang Syphilis

Ang syphilis ay nagagamot lalo na kung nasa early stage pa lamang ito. Kapag naging positive sa mga tests na gagawin ng doktor ang pangunahing gamot na ginagamit sa paggamot ng syphilis ay ang antibiotic na penicillin.

Benzathine Penicillin G

Ito ay isang long-acting form ng penicillin na karaniwang ipinapainom sa pamamagitan ng intramuscular injection. Karaniwang ginagamit ito sa paggamot ng primary at secondary stages ng syphilis.

Penicillin G Procaine

Ito ay isang ibang form ng penicillin na karaniwang ipinapainom din sa pamamagitan ng intramuscular injection. Ginagamit ito sa mga kaso ng primary, secondary, at early latent stages ng syphilis.

Penicillin G Crystalline

Ito ay isang form ng penicillin na karaniwang ipinapainom sa pamamagitan ng intravenous (IV) infusion. Ginagamit ito sa mga kaso ng late latent, tertiary, at neurosyphilis.

Magkano ang gamot sa Syphilis sa Pilipinas

Ang gamot sa syphilis na antibiotic ay pwedeng sa pamamagitan ng injections. Para sa mga bagong infected ay pwede ang isang injection. Samantalang kung matagal na ito sa katawan ay 3 shots. Isang injection shot per week.

Ang halaga ng antibiotic na ito para sa syphilis ay nasa Php 2,500 – Php 5,000 pesos.

Mga Hospital na pwede ang gamutan sa Syphilis

Philippine General Hospital (PGH)

Address: Taft Ave, Ermita, Maynila, 1000 Kalakhang Maynila

Telepono: +63 2 8554 8400

San Lazaro Hospital

Address: Quiricada St, Santa Cruz, Maynila, 1003 Kalakhang Maynila

Telepono: +63 2 8735 1521

Research Institute for Tropical Medicine (RITM)

Address: Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City, 1781 Kalakhang Maynila

Telepono: +63 2 8807 2631

Makati Medical Center

Address: 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati, 1229 Kalakhang Maynila

Telepono: +63 2 8888 8999

St. Luke’s Medical Center (Global City)

Address: 32nd St, Taguig, 1634 Kalakhang Maynila

Telepono: +63 2 8723 0101

St. Luke’s Medical Center (Quezon City)

Address: Eulogio Rodriguez Jr. Ave, Quezon City, 1112 Kalakhang Maynila

Telepono: +63 2 8723 0101

UP-Philippine General Hospital Skin and Cancer Center

Address: Taft Ave, Ermita, Maynila, 1000 Kalakhang Maynila

Telepono: +63 2 8554 8400

Manila Doctors Hospital

Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Maynila, 1000 Kalakhang Maynila

Telepono: +63 2 524 3011

Jose R. Reyes Memorial Medical Center

Address: San Lazaro Compound, Rizal Ave, Santa Cruz, Maynila, 1003 Kalakhang Maynila

Telepono: +63 2 8733 3761

Conclusion

Ang syphilis ay dahil sa bacteria kaya pwedeng magamot ito ng antibiotics. Tandaan na nakukuha lamang ito sa sexual contact kaya kung active ka sa sexually magkaroon ng mga pamamaraan para maging safe at magkaroon ng protection sa sakit na ito.

Hindi lumalabas kaagad ang sintomas ng sakit na ito gaya ng stages na pinag usapan natin kaya mas makakabuti na kapag may mga sintomas ay magpa-check up. Ang sakit na ito ay nadedetect sa dugo, spinal fluid o mga bodily fluids.

Iba pang mga Babasahin

Magkano ang Operasyon sa Aneurysm – Brain, Aortic, Abdominal

Magkano ang CT Scan sa Ulo sa Pilipinas?

Magkano ang Raspa (Dilation and curettage) sa Pilipinas?

Magkano ang operasyon sa Sinusitis sa Pilipinas

One thought on “Magkano ang Gamot sa Syphilis sa Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *