Ang diabetes ay isang kondisyon sa kalusugan na nauugnay sa mataas na antas ng asukal sa dugo. Ang pangunahing dahilan ng diabetes ay ang hindi sapat na produksyon ng insulin ng katawan o ang hindi wastong paggamit nito.
Isa ito sa pangunahing sakit ngayon sa Pilipinas. Ayon sa talaan ng Department of Health (DOH), nasa 5 Million Pilipino ang affected nito at nasa 50,000 na ang namamatay since 2017.
Mga Uri ng Diabetes
Type 1 Diabetes
Ang kondisyong ito ay sanhi ng autoimmunity, kung saan ang immune system ng katawan ay humahadlang at sumisira sa mga selula na nagpoproduce ng insulin sa pancreas natin. Bilang resulta, ang mga taong may Type 1 diabetes ay nangangailangan ng regular na insulin injections para sa pagkontrol ng kanilang antas ng asukal sa dugo.
Type 2 Diabetes
Ito ang pinaka-karaniwang uri ng diabetes at karaniwang nagaganap sa mga taong may edad, obese, o may mga genetic na predisposition. Sa Type 2 diabetes, ang katawan ay maaaring magproduced ng insulin ngunit hindi ito nagagamit nang maayos o hindi sapat ang insulin na nilalabas.
Gestational Diabetes
Ito ay isang uri ng diabetes na nagaganap sa mga buntis na kababaihan na walang kasaysayan ng diabetes bago ang pagbubuntis. Karaniwang nawawala ito pagkatapos manganak, ngunit maaaring magdulot ng panganib sa ina at sanggol kung hindi maayos na naaayos.
Magkano ang gamot o treatment sa Diabetes sa Pilipinas?
Dahil sa labis na mapanganib ang Diabetes, nirerekomenda ng doktor ang palagiang pagpapakonsulta sa kanila. Ang Check up fee sa doktor ay nasa Php 500 pesos kada bisita at pwedeng maging 2x a month ito o Php 1,000 pesos.
Para naman sa mga Laboratory tests na gagawin Fasting Blood Sugar (FBS) for P80 to P180, Oral Glucose Tolerant Test (OGTT) for P550 to P835, and Hemoglobin A1c (HA1c) for P600 to P900. Pero hindi naman ito palagiang ginagawa
Para mamonitor ang blood sugar level at sa mga kinakailangan ng Insulin, Blood Sugar Monitor or a Diabetic Glucometer averaging around P2,000 and Glucometer strips costing around P1,000 for 25 pieces. If your diabetes treatment requires insulin, insulin syringes costs around P1,200 for 100 pieces (Source: https://www.philstar.com/lifestyle/health-and-family/2019/12/03/1972033/whats-cost-diabetes)
Para naman sa ibang pang mga medications o gamot na ginagamit sa sakit na Diabetes, pwedeng umabot ito ng Php8,000 – Php 30,000 pesos a month. Ito ay depende na sa pangangailangan o actual na mga gamot na gagamitin. Branded Metformin 500mg ay pwedeng umabot up to P1,500 per box of 100 tablets. Sitagliptin Phosphate, also used to improve glycemic control, can cost up to P62 per tablet, taken once a day will cost P1,860 a month.
Dahil sa talagang magastos ang maintenance ng diabetes, makabubuti na maayos ang lifestyle natin at i-maintain ang tamang sugar level ng katawan bago pa ito lumala.
Mga Hospital sa Manila na gumagamot sa Diabetes
Philippine General Hospital (PGH) Address: Taft Avenue, Ermita, Manila Telephone: +63 2 554-8400
Manila Doctors Hospital Address: 667 United Nations Avenue, Ermita, Manila Telephone: +63 2 558-0888
St. Luke’s Medical Center – Global City Address: 32nd Street, Bonifacio Global City, Taguig Telephone: +63 2 789-7700
The Medical City Address: Ortigas Avenue, Pasig City Telephone: +63 2 8988-1000
Asian Hospital and Medical Center Address: 2205 Civic Drive, Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City Telephone: +63 2 8771-9000
University of Santo Tomas Hospital (USTH) Address: España Boulevard, Sampaloc, Manila Telephone: +63 2 731-3001 loc. 2318
Jose R. Reyes Memorial Medical Center Address: San Lazaro Compound, Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila Telephone: +63 2 711-9491
Ospital ng Maynila Medical Center Address: Pres. Quirino Avenue, Malate, Manila Telephone: +63 2 8521-8450
San Lazaro Hospital Address: Quiricada Street, Sta. Cruz, Manila Telephone: +63 2 8732-3777
Metropolitan Medical Center Address: 1357 G. Masangkay Street, Santa Cruz, Manila Telephone: +63 2 8716-3511
Philhealth para sa gamot sa Diabetes sa Pilipinas
May mga available na libreng gamot sa Department of Health sa Pilipinas kaya makipag ugnayan sa inyong mga health center para malaman ang mga ito.
DOH offers an insulin access program and provides free insulin + other meds like losartan and amlodipine. (Source: https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/x9qu5g/how_much_does_maintaining_diabetes_in_the/)
Samantala ang Philhealth ay may coverage para sa gamutan sa Diabetes sa Pilipinas. Isangguni din ito sa pinakamalapit na Philhealth center.
One thought on “Magkano ang Gamot sa Diabetes sa Pilipinas”