Ang ureteroscopy ay isang medikal na procedure na ginagawa upang suriin at gamutin ang mga problema sa ureter. Ang ureter ay ang mga maliit na tubo na nagdadala ng ihi mula sa bato papunta sa pantog (bladder). Ang procedure ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng isang maliit na instrumento na tinatawag na ureteroscope, na may kaugnayan sa isang napakaliit na kamera.
Ang ureteroscope ay isinasalalim o ipinapasok sa pantog upang matingnan ang mga bahagi ng ureter at maaaring gamitin din para sa pagtanggal ng mga bato o iba pang mga obstruksyon sa ureter.
Saan ginagamit ang Uteroscopy
Karaniwang ginagawa ang ureteroscopy bilang bahagi ng mga medikal na paraan para sa mga problema tulad ng bato sa bato, mga pagkakabara sa ureter, o pagtukoy ng mga abnormalidad tulad ng mga tumor.
Ito ay isang minimally invasive procedure na kadalasang nangangailangan lamang ng isang maliit na pagbukas o walang pagbukas sa katawan, na nagbibigay-daan sa mabilis na paggaling at mas mababang tsansa ng komplikasyon kumpara sa tradisyunal na operasyon.
Masakit ba ang operation procedure para sa Uteroscopy?
Ang ureteroscopy ay maaaring magdulot ng ilang discomfort o sakit, ngunit karaniwang ito ay manageable at pansamantala.
Karaniwang gumagamit ng general o spinal anesthesia ang mga doktor upang walang maramdaman na sakit ang pasyente habang isinasagawa ang procedure. Sa ilang mga kaso, maaaring lokal na anesthesia lamang ang kailangan. Pagkatapos din ng anesthesia, maaaring makaranas ang pasyente ng discomfort o banayad na sakit sa lower abdomen o likod. Ito ay karaniwang dulot ng iritasyon sa ureter at pantog.
Maaaring makaranas ng pakiramdam na parang nasusunog o hirap sa pag-ihi, ngunit ito ay karaniwang nawawala pagkatapos ng ilang araw o magkaroon naman ng kaunting dugo sa pag-ihi.
Mayroon namang mga gamot na ibibigay para sa mga symptoms na pwedeng lumabas pagkatapos ng ureteroscopy.
Magkano ang Ureteroscopy sa Pilipinas
Ang halaga ng ureteroscopy sa Pilipinas ya pwedeng umabot ng Php 50,000 – Php 150,000 pesos. Ang presyo na ito ng ureteroscopy ay nagbabago kung may mga additional charges na magagastos gaya ng anesthesia at mga gamot.
Pwedeng sagutin ng Philhealth ang ilang percentage ng halaga ng operasyon sa ureteroscopy. Umaabot ang discount ng Php 9,700 pesos. Pwedeng may mas mataas pa na discount sa philhealth kaya makipagugnayan muna sa pinakamalapit na branch sa inyong lugar.
Halimbawa ng halaga ng Ureteroscopy kada Hospital
St. Luke’s Medical Center
- Tinatayang Gastos: PHP 60,000 – PHP 100,000
- Telepono: (02) 8723-0101 (Quezon City), (02) 789-7700 (Taguig)
The Medical City
- Tinatayang Gastos: PHP 50,000 – PHP 90,000
- Telepono: (02) 8988-1000
- Address: Ortigas Avenue, Pasig City, 1600 Metro Manila
Makati Medical Center
- Tinatayang Gastos: PHP 70,000 – PHP 110,000
- Telepono: (02) 8888-8999
- Address: 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati, 1229 Metro Manila
Asian Hospital and Medical Center
- Tinatayang Gastos: PHP 60,000 – PHP 100,000
- Telepono: (02) 8771-9000
- Address: 2205 Civic Drive, Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City, 1780 Metro Manila
Philippine General Hospital (PGH)
- Tinatayang Gastos: PHP 30,000 – PHP 60,000
- Telepono: (02) 8554-8400
- Address: Taft Avenue, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila
Listahan ng Hospital na may ureteroscopy
St. Luke’s Medical Center
- Quezon City: 279 E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City, 1112 Metro Manila
- Telepono: (02) 8723-0101
St. Luke’s Medical Center
- Taguig: Rizal Drive cor. 32nd St. and 5th Ave, Taguig, 1634 Metro Manila
- Telepono: (02) 789-7700
The Medical City
- Ortigas Avenue, Pasig City, 1600 Metro Manila
- Telepono: (02) 8988-1000
Makati Medical Center
- 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati, 1229 Metro Manila
- Telepono: (02) 8888-8999
Asian Hospital and Medical Center
- 2205 Civic Drive, Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City, 1780 Metro Manila
- Telepono: (02) 8771-9000
Philippine General Hospital (PGH)
- Taft Avenue, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila
- Telepono: (02) 8554-8400
Iba pang mga babasahin
Magkano magpa check up sa Dermatologist?
Magkano manganak ng Caesarean sa Pilipinas?
One thought on “Magkano ang Ureteroscopy sa Pilipinas”