July 15, 2024

Magkano ang Sahod ng OFW sa Singapore

Spread the love

Kabayan nais mo din bang subukan ang kapalaran mo sa Singapore bilang isang OFW?

Marami ang nag-aaply sa Singapore ng trabaho dahil malaki nga naman talaga ang sahod dito.

Lalo na sa panahon ngayon ang palitan ng $1 Sgd ay mahigit 40 pesos na. Sa very skilled workers pwedeng umabot ng $10,000 SGD o mahigit 400,000 Php ang sahod kada buwan. Gross ito at wala pa ang mga gastusin sa income tax, rent, food, medical at travel expenses.

Kung sa presyo lang ng sahod sa Singapore, isa ito sa pinakamataas magbigay ng rate sa mga Pilipino na OFW sa buong mundo, kaya maganda talaga kapag nabigyan ka ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Singapore. Dahil malapit lang sa Pilipinas mas advantage dito ang OFW lalo na kung ayaw mo ng masyadong malayo sa pamilya dahil 3 hours away lang ito sa Pilipinas. Mas matagal pa ang biyahe from Manila to Baguio (~6 hours).

Ang madalas lamang na feedback dito ay mataas din ang Cost of living dito kasi isang first world country ang Singapore at pwede ng ihalintulad sa mga kilalang bansa gaya ng United States.

Magkano ang Sahod sa Singapore?

Kagaya ng napag-aralan natin sa sahod ng OFW sa Malaysia, mayroon ding category ang sahuran sa Singapore.

Meron itong tatlong klase ng foreign worker pay cateogry. Ito ang Working permit class, S-Pass holders at E-Pass holders. May kanya kanya silang requirement depende sa ibibigay na permit sa employee.

Working Permit

– Ang Working Pass or permit sa singapore ay binibigay sa mga trabaho ng semi skilled workers. Halimbawa nito ay ang mga may trabaho sa constructions, domestic helpers, shipyard, manufacturing, mga drivers. Kelangan ng lakas ng katawan at kalusugan sa ganitong category ng permit kasi manual labor ang madalas na ginagamit sa trabaho. Ang sahod ay pwedeng nasa range ng $500 SGD (20,000 pesos) up to $1,700 SGD (70,000 Pesos). Meron ding mga medical benefits ang working pass permit na required ibigay ng company.

Tandaan na ang category na ito ay dapat pag isipan ng maigi ng applicant kasi kung hindi sasagutin ng employer ang mga bayad sa titirahan ng employee at mas maigi sa Pilipinas na lamang magtrabaho. Ang rent sa bahay sa Singapore ay pwedeng umabot ng $300 SGD per month or 12,000 pesos.

Pwedeng umabot ng 2 years per contract and working permit na category sa Singapore.

S-Pass holders

-Ang S-Pass ay binibigay naman sa mga skilled at semi skilled workers na OFW. Ang minimum na sahod dito ay nasa $3,000 SGD o mahigit 120,000 Php. Sa mga edad 40+ nama ay minimum ng $4,500 o mahigit 160,000 Php. Kailangan i-request ito ng employer sa Ministry of Manpower. Limited lang ang number ng tao na pwede makapasa dito kada company kaya ma swerte ka kapag natanggap ka bilang isang S pass holders. Meron ding mga medical benefits na required ibigay ng company.

Ang isang contract ng S-Pass holders ay pwedeng umabot ng 2 years.

E-Pass holders

– Isa itong employment pass sa Singapore na iginagawad ng Ministry of Manpower ng Singapore para sa very high skilled workers na OFW. Ito ay mga workers na nasa managerial positions at merong University Degree. Pwede ka lamang mag apply ng E-pass kapag meron ka ng trabaho at ang minimum na sahod ay $500 SGD o 200,000 Php. Kung ang edad ay nasa 23 years old ($5,000) at kung ang edad ay 45 above ($10,000 SGD) ay magkaiba ang requirement para matanggap sa E-Pass. Kasama sa E-Pass ang mga medical insurance na binibigay ng mga company.

Starting September 2023, mayroon na ding ipapatupad na point based Complimentary asssessment Framework (COMPASS) na examination. Mahalagan basahin ito ng mga merong trabaho ngayon sa Singapore kasi kasama ito sa renewal ng Employment pass kada company.

Requirements para madala ang Family or dependent sa Singapore

Para madala mo ang pamilya sa Singapore kailangan ng E-Pass at minimum $6,000 SGD na sahod.

Family memberPass type
Legally married spouseDependant’s Pass
Unmarried children under 21 years old, including those legally adoptedDependant’s Pass
Common-law spouseLong-Term Visit Pass
Unmarried handicapped children aged 21 and aboveLong-Term Visit Pass
Unmarried step-children under 21 years oldLong-Term Visit Pass
Parents
(Only for EP holders earning at least $12,000)
Long-Term Visit Pass
Source: Singapore Ministry of Manpower

Halimbawa ng Sahod ng OFW sa Singapore

Ang sahod ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Singapore ay maaaring magkaiba depende sa industriya, antas ng kasanayan, karanasan, at iba pang mga kadahilanan. Gayunpaman, ang mga OFWs sa Singapore kadalasan ay tumatanggap ng mas mataas na sahod kumpara sa mga OFWs sa ibang mga bansa.

Ang mga halimbawa ng karaniwang sahod ng OFWs sa Singapore ay sumusunod.

Domestic Helper

Ang mga domestic helper sa Singapore karaniwang tumatanggap ng sahod na nasa pagitan ng SGD 500 (20,000 pesos) hanggang SGD 800 (32,000 pesos) kada buwan, depende sa karanasan at kakayahan.

Skilled Workers

Para sa mga skilled workers tulad ng mga mechanical engineer, electrical engineer, o iba pang propesyonal, ang sahod ay maaaring nasa SGD 2,500 (100,000 pesos) hanggang SGD 5,000 (200,000 pesos) kada buwan, depende sa antas ng kasanayan at karanasan.

Professionals

Para sa mga propesyunal tulad ng mga doktor, inhinyero, arkitekto, o iba pang mga propesyunal na may mataas na antas ng kasanayan at karanasan, ang mga sahod ay maaaring umabot sa SGD 5,000 pataas kada buwan.

Magkano ang Basic na gastusin o Cost of Living sa Singapore?

Gaya ng sabi natin, medyo kamahalan ang cost of living sa Singapore kumpara sa ibang ASIAN countries na pwede tayong maging OFW.

Magkano ang Rental sa Bahay na titirahan sa Singapore

Isa ito sa pinakamahal na gastusing ng OFW kapag nag tatrabaho sa Singapore. Dahil sa kamahalan ng rental ng bahay, karamihan ng mga Pilipino dito ay bed spacer o nag re-rent lang ng isang room.

Ang isang bed spacer sa Singapore ay pwedeng mag allocate ng $300 – $400 SGD or 12,000 pesos. Ang disadvantage ng isang bed spacer ay walang privacy. Pwede kasing hanggang tatlong bed spacer sa isang kwart at shared lahat ng basic things gaya ng toilet, lutuan at sala.

Kapag medyo mataas naman ang sahod mo pwede kang makahanap ng room para me privacy ka at solo sa kwarto sa halanga $600-$800 SGD o 32,000 pesos kada kwarto. Solo mo din ang toilet dito.

Sa mga E-pass holders na may kakayahan mag rent ng isang apartment pwede kang mag allocate ng $2,000 – $3000 SGD o mahigit 120,000 pesos para sa 3 bedroom apartment. Pwede mo ditong dalhin ang pamilya mo.

Sa mga maswerte na nakakuha na ng matagal na trabaho, may mga Pilipino na bumili at nag invest sa apartment sa Singapore, bumili sila ng bahay at pina pauphan sa mga OFW na Pinoy nadin. Mas maganda ito para sa OFW kasi kababayan nila mismo ang nagmama-nage ng Bahay.

Magkano ang Transportation sa Singapore

Mura lang ang transportation sa Singapore kasi meron silang Train system. Maliit lang ang singapore kumpara sa pilipinas kaya lahat ng lugar ay connected sa Train nila. Mura lang din ang budget dito. Pwede kang mag laan ng $50 to $100 SGD na allowance sa loob ng isang buwan.

Ang bayad sa pampublikong transportasyon tulad ng MRT (Mass Rapid Transit) o bus ay nagmumula sa SGD 1.50 hanggang SGD 3.50, depende sa distansya.

Dahil mahal ang sasakyan sa Singapore at limited lang naman ang parking spaces, hindi economical ang bumili dito ng sasakyan. May programa din ang gobyerno ng Singapore kung saan ang sasakyan ay hindi pwedeng umabot ng 20years at kailangan palitan na ito. Masyadong magastos mag karoon ng sasakyan sa Singapore, bukod sa mataas na registration at madalas sa mga mayayaman molang ito makikita o sa mga local residents.

Magkano ang Pagkain sa Singapore

Ang pagkain sa SGD ay syempre may kamahalan din kung ikukumpara mo sa Pilipinas. Para sa pinaka basic food meal ang halagang $5 SGD ay pwede na. Kapag medyo nagugutom ka at may craving pweding umabot sa $20 SGD ang meal mo lalo na kung sa mga restaurant ka kakain naman. Nasa diskarte ng pagtitipid ang kelangan para hindi masyadong malaki allowance mo sa pagkain. Madalas sa parang turo turo na kainan makikita ang mga pinoy o dili naman nagluluto nalang sila at nag babaon. Tipid lang kabayan para makaipon ng madami sa retirement or para sa mga nag -aaral na anak

Magkano ang Internet, Kuryente at Tubig

Ang mga serbisyo tulad ng kuryente, tubig, at internet ay karaniwang bahagi ng gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga halagang ito ay maaaring magkakaiba depende sa iyong pagkonsumo. Ang mga karaniwang halaga ng mga serbisyo na ito ay nagmumula sa SGD 100 hanggang SGD 300 kada buwan

Central Provident Fund ng Singapore Retirement Fund

Ang CPF o central provident fund ay isa sa mga pinaka magandang programa sa Singapore para sa mga private at public workers. Depende sa company, mayroon percentage ng sahod na libreng ibinibigay para sa mga eligible. Ang halaga ay nasa 10-12%, katumbas ito ng EPF or employee provident Fund ng Malaysia.

Pero hindi lahat ay meron neto at normally ang mga local residents at Permanet Resident (nag migrate) na sa Singapore lang ang Eligible. Marami sa mga OFW kahit merong E-Pass at sumasahod ng $10,000 SGD ay pwedeng hindi eligible dito.

Permanent Resident (PR) o Employment Pass (EP)

Kailangan mong magsumite ng mga dokumento tulad ng pasaporte, Employment Pass (EP), o PR status para makapagrehistro sa CPF.

SingPass

Ang SingPass ay isang online account na ginagamit sa pag-access sa mga serbisyo ng pamahalaan ng Singapore. Kailangan mong magkaroon ng SingPass para ma-access ang iyong CPF account online.

Bank Account

Kakailanganin mong magkaroon ng bank account sa Singapore upang magawa ang mga transaksyon sa CPF.

One thought on “Magkano ang Sahod ng OFW sa Singapore

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *