December 3, 2024

Magkano ang Sahod ng OFW sa Malaysia

Spread the love

Gusto mo bang subukang magtrabaho sa Malaysia bilang isang OFW. Pero hindi ka makapag pasya pa kasi hindi mo kabisado kung magkano ang sahuran sa Malaysia.

Well meron tayong simple guide at mga halimbawa ng sahuran sa Malaysia.

Bilang isang OFW worker sa malaysia na galing sa Pinas merong tatlong Category ang mga trabahador dito. Sa mga category na ito ay hindi pa kasama ang tax. Depende kasi ang tax sa taas ng sahod. Ang palitan ng pera sa Peso ay 1 Ringgit = 12 pesos average.

Category 1

-Ito ang category ng trabaho sa Malaysia ng isang OFW kung saan ang sahod ay nasa Ringgit 10,000 pataas ang halaga o nasa lampas ng 120,000 php. Ito ang pinakamataas na category ng foreign worker sa Malaysia. Usually ang category na ito ay trabaho ng mga manager, engineer, IT, skilled workers na mataas ang posisyon. Sa category 1 pwede mo ding kuhanan ng dependent pass ang iyong dependents (asawa at anak) at pwede itong ma-approve ng Malaysian Government.

Category 2

– Ang category 2 ay kinabibilangan din ng mga skilled workers na ang sahod ay nasa Ringgit 5,000 to 10,000 o mahigit 60,000 to 120,000 php. Sa category na ito pwede pading kumuha ng dependent pass o dependent visa ang empleyado sa category na ito at pwede ding ma-approve ng Malaysian Government.

Category 3

-Ang category 3 naman ng mga OFW workers sa Malaysia ay ang mga foreign worker na may sahod na Ringgit 5,000 pababa or below 60,000 pesos. Hindi allowed ang category 3 workers na magdala ng dependent sa malaysia. Karaniwan sa category 3 ang mga domestic helper sa Malaysia.

Ano ang meron sa OFW sa Malaysia na mas maganda kaysa nag tatrabaho sa Pilipinas?

Advantage sa mga OFW worker sa Malaysia kapag nasa category 2 at 3 worker ka kasi posible na bigyan ka ng tinatawag na Employee provident fund or EPF kung saan ang employer mo ay pwedeng magbigay ng 12% na halaga ng sahod mo kada buwan at ilalagay ito sa iyong benepisyo o sariling mong EPF. Pag umuwi ka na sa pilipinas ay pwede mo itong ma withdraw naman bilang iyong retirement fund. Malaki ito dahil kung ang sahod mo ay umaabot ng Ringgit 8,000 kada buwan pwede ka makaipon ng mahigit 1 Million pesos kahit tatlong taon kapalamang nagta trabaho dito.

Ang EPF sa malaysia ay kumikita pa ng average 6% per year na interest kaya maganda talaga mag ipon dito.

Mga Halimbawa ng Sahod ng OFW Worker sa Malaysia

Domestic Helper o Kasambahay

Ang mga OFW na kasambahay sa Malaysia ay karaniwang tumatanggap ng sahod na nasa mga RM 800 hanggang RM 1,500 kada buwan, depende sa kasunduan sa kontrata at kondisyon ng trabaho.

Manufacturing o Factory Worker

Sa sektor ng pagmamanupaktura, ang sahod ng mga OFW factory worker ay maaaring nasa mga RM 1,500 hanggang RM 2,500 kada buwan, depende sa karanasan at kasanayan ng manggagawa.

Skilled Worker

Para sa mga OFW na may mga kasanayang teknikal at propesyonal, tulad ng welder, technician, engineer, o iba pang skilled worker, ang sahod ay maaaring umabot mula sa mga RM 2,500 hanggang RM 5,000 o higit pa kada buwan, depende sa karanasan, kwalipikasyon, at iba pang salik.

Professional o Managerial Positions

Ang mga OFW na nagtatrabaho sa mga propesyonal o pamamahalaan na mga posisyon, tulad ng mga engineer, manager, o propesyunal na mga trabaho, maaaring magkaroon ng mas mataas na sahod. Ang mga sahod sa kategoryang ito ay maaaring magsimula mula sa mga RM 4,000 hanggang RM 10,000 o higit pa kada buwan, depende sa kasanayan, karanasan, at posisyon ng trabaho.

Iba pang Advantage ng Foreign Worker sa Malaysia

Mura ang kuryente at Tubig

Kahit gabi gabi ka naka Aircon ay hindi ka magbabayand ng isang libong piso sa kuryente kasi subsidized ng Malaysian government ito.

Mura ang Gasolina

Ang per liter ng gasolina sa Malaysia ay nasa 2 Ringgit lamang o halagang 24 pesos per liter. Pwede kading makabili ng sasakyan na mura lamang at bayaran lang ito ng nasa 7,000 pesos per month for 5 years ay magkakaroon ka na ng brand new na sasakyan

Wala masyadong Traffic

Dahil ang population ng Malaysia ay nsa 30 Million plus lamang kompara sa 100 Million plus sa Pilipinas, kakaunti lang ang tao dito. Pag nag drive ka ay maluwag at malinis din ang mga kalsada.

Mababait ang mga Tao

Ang general religion ng mga tao sa Malaysia ay ethnic Muslim kaya relihiyoso talaga sila. At least 3x sa isang araw nagdadasal ang mga Muslim dito at dahil dyan pasensyoso ang mga tao. Maging sensitibo lamang sa mga bawal sa kanilang relihiyon at walang problema makisama ang Katoliko sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *