November 21, 2024

Magkano ang Operasyon sa Prostate sa Pilipinas

Spread the love

Ang prostate ay isang bahagi ng reproductive system ng lalaki na matatagpuan sa ibaba ng pantog (bladder) at harapan ng tumbong. Ito ay isang glandula na may sukat ng kasing laki ng isang walnut at tumutulong sa pag-produce ng likido na bahagi ng semen.

Ang pangunahing gawain ng prostate gland ay mag pag-produce ng likido na nagdadala ng spermatozoa (sperm cells) sa oras ng ejaculation. Ang likidong ito (30% na bahagi ng semen fluid) ay nagbibigay ng sustansya at proteksyon sa sperm cells habang naglalakbay sa pamamagitan ng male reproductive tract.

Ang prostate ay nasa pagitan ng pantog at ari ng lalaki.

Ano ang mga dahilan ng Prostate Enlargement

Kapag tumatanda ang isang lalaki normal na lumalaki ito ng pakunti kunti bilang natural na proseso nito. Pero minsan ang paglaki na ito ng prostate ay nakakasagabal sa urethra (daanan ng sperm, ihi). Pwedeng maging very inconvenient sa pakiramdam, maihi ka lagi o worst case maging cancer ito.

Ang tawag sa mga sakit related sa prostate ng lalaki ay “Prostatitis”, prostate enlargement (benign prostatic hyperplasia o BPH) at prostate cancer.

1. Prostatitis

– Ito ang pamamaga ng prostate ng lalaki dahil sa mga bacterial infection. Sintomas nito ang hirap sa pag ihi, masakit kapag may ejaculation or kunti kunti lang ang ihi, pakiramdam ay punong puno ng ihi o di kaya may dugo sa ihi at sumasakit ang pantog sa lower back na bahagi ng likod.

Ang prostatitis ay posibleng manggaling sa UTI, nakipagtalik ng walang proteksyon (sexual infection) o di kaya ay may urinary catheter insertion.

2. Prostate enlargement (benign prostatic hyperplasia o BPH)

-Natural na paglaki ng prostate sa pagtanda ng mga lalaki

-50% ng mga lalaki edad 50 pataas ay may experience ng BPH at 90% naman sa 80 years old pataas

-Mas malaki ang chance magka BPH kung may history sa pamilya, obese, type 2 diabetes, sakit sa puso, erectile dysfunction

3. Prostate cancer

-Kagaya din ito ng BPH na lumalaki ang prostate. Ang kaibahan nito sa BPH ay ang paglaki ng una ay dahil sa normal cells through aging nga at ang cancer ay dahil sa paglaki ng abnormal cells ng katawan.

Bakit kailangan Operahan ang Prostate ng Lalaki

1. Kung ang mga sintomas ng BPH ay hindi na makuha pa ng mga gamot o iba pang mga non-surgical na therapies, maaaring kinakailangan ang operasyon upang alisin o bawasan ang laki ng prostate gland at mabawasan ang mga sintomas

2. Sa may prostate cancer at di na kaya ng therapies tulad ng radiation o chemotherapy, maaaring kinakailangan ang operasyon upang alisin ang prostate gland at ang tumor na tumubo.

3. Kapag ang impeksyon sa loob ng prostate gland na maaaring maging sanhi ng pamamaga at pagkakaroon ng mga nana ay lumala, kailangan ng operasyon para ma-drain ito.

4. Sa mga kaso ng urinary retention o hindi kumpletong pag-ihi dahil sa pagkakabit ng prostate sa urethra, ang prostatectomy (pag-alis ng buong o bahagi ng prostate gland) ay maaaring kinakailangan upang mapabuti ang pagdaloy ng ihi.

Magkano ang operasyon sa Prostate sa Pilipinas

Ang halaga ng operasyon sa Prostate sa Pilipinas ay nasa Php 100,000 – Php 150,000 pesos.

Mas mataas pa ang halaga na ito kasama ang mga gamot at hospital fee.

Pwede itong maging libre ayun sa Department of Health (DOH), kaya mangyaring makipag ugnayan sa kanilang pinakamalapit na opisina.

13 na State Hospitals ang kasama sa libre na prostate cancer surgery, ito ang National Kidney and Transplant Institute and Quirino Memorial Medical Center in Quezon City, Philippine General Hospital in Manila, Rizal Medical Center in Pasig City, Ilocos Training and Regional Medical Center in San Fernando City, and Cagayan Valley Medical Center in Tuguegarao City.

Source: https://www.sunstar.com.ph/bacolod/philhealth-offers-p100000-package-for-prostate-cancer-in-13-hospitals

Mga Hospital sa Pilipinas na may Operasyon ng Prostate

Asian Hospital and Medical Center

Address: 2205 Civic Drive, Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City, Metro Manila

Telepono: +63 2 8771 9000

St. Luke’s Medical Center – Global City

Address: 32nd St, Taguig, Metro Manila

Telepono: +63 2 8723 0101

Makati Medical Center

Address: 2 Amorsolo Street, Legaspi Village, Makati City, Metro Manila

Telepono: +63 2 8888 999

The Medical City

Address: Ortigas Avenue, Pasig City, Metro Manila

Telepono: +63 2 8988 1000

Philippine General Hospital (PGH)

Address: Taft Avenue, Ermita, Manila

Telepono: +63 2 8554 8400

St. Luke’s Medical Center – Quezon City

Address: 279 E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City, Metro Manila

Telepono: +63 2 8723 0101

Manila Doctors Hospital

Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila

Telepono: +63 2 524 3011

Cardinal Santos Medical Center

Address: 10 Wilson St, Greenhills West, San Juan, Metro Manila

Telepono: +63 2 8727 0001

UERM Memorial Medical Center

Address: Aurora Boulevard, Quezon City, Metro Manila

Telepono: +63 2 715 0861

University of Santo Tomas Hospital

Address: España Blvd, Sampaloc, Manila

Telepono: +63 2 731 3001

Iba pang mga babasahin

Magkano ang Operasyon sa Ectopic Pregnancy

Magkano ang panganganak sa Public Hospital?

Magkano ang operasyon sa Brain Tumor sa Pilipinas

Magkano ang Operasyon sa Pterygium

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *