November 21, 2024

Magkano ang Gamot sa Hepatitis?

Spread the love

Ang hepatitis ay isang kondisyon na sanhi ng pamamaga ng atay. Maaari itong maging acute (panandalian) o chronic (pangmatagalan). Mayroong iba’t ibang uri ng hepatitis, at kadalasan itong sanhi ng mga virus, bagaman maaari rin itong dulot ng iba pang mga sitwasyon tulad ng alkohol, ilang gamot, at autoimmune na kondisyon.

Maaring makakuha ng sakit na Hepatitis sa mga kontaminado na bodily fluids (laway, dugo, etc) at maduduming pagkain, tubig o pagkakaroon ng sekwal na kontak sa mga meron na nito.

Mga Uri ng Sakit ng Hepatitis

Hepatitis A

Ito ay kadalasang nakukuha sa pamamagitan ng pagkain o inumin na may dumi ng tao na may hepatitis A virus. Karaniwang nagdudulot ito ng pansamantalang sakit sa atay at sintomas tulad ng pagkapagod, pagsusuka, at sakit sa tiyan. Gayunpaman, karamihan sa mga kaso ng hepatitis A ay nagpapagaling nang kusa nang walang pangangailangan para sa espesyal na paggamot.

Hepatitis B

Maari naman itong makuha sa pamamagitan ng dugo, tamod, at iba pang likido sa katawan ng isang taong may hepatitis B. Maaaring maging sanhi ito ng malubhang pinsala sa atay at maging sanhi ng mga pangmatagalang komplikasyon tulad ng sirosis at kanser sa atay.

Hepatitis C

Tulad ng hepatitis B, ito ay maaaring makalat sa pamamagitan ng dugo at maaaring magdulot ng matinding pinsala sa atay. Ang karamihan sa mga taong may hepatitis C ay hindi nakakaramdam ng anumang sintomas sa simula. Kung hindi naagapan, maaaring magdulot din ito ng sirosis o kanser sa atay.

Hepatitis D

Ito ay isang uri ng viral hepatitis na kailangan ng hepatitis B virus upang makapagpakalat at makapagdulot ng impeksyon. Ang mga taong may hepatitis B na nagkaroon ng hepatitis D ay may mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng malubhang sakit sa atay.

Hepatitis E

Ito ay kadalasang dulot ng pagkain o inumin na may dumi ng hayop na may hepatitis E virus. Karaniwang mayroon itong maikling sakit sa atay at karaniwang nagpapagaling nang kusa, ngunit maaaring maging mas malubha sa mga buntis, lalo na sa mga ikalawang o ikatlong trimester.

Paano malaman kung may Hepa o Hepatitis?

May mga tests sa hospital o sa clinic na pwedeng isagawa ang doktor para malaman kung mayroong Hepa virus infection.

Pwedeng magsagawa ang doktor ng Blood Tests

Ang mga pagsusuri sa dugo ay maaaring magbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong kalusugan ng atay. Ilan sa mga karaniwang pagsusuri sa dugo para sa hepatitis ay kinabibilangan ng mga sumusunod.

Hepatitis Panel

Isang serye ng mga pagsusuri na nagtatasa sa mga antas ng iba’t ibang uri ng antibodies at antigens na nauugnay sa mga virus ng hepatitis.

Liver Function Tests

Pagsusuri ng dugo na nagmamasid sa mga markador ng kalusugan ng atay tulad ng ALT (alanine aminotransferase) at AST (aspartate aminotransferase).

Viral Load Test

Isang pagsusuri na nagtutukoy sa dami ng viral particles ng hepatitis sa iyong katawan.

Paano ginagamot ang Hepatitis

Ang gamot para sa hepatitis ay nakadepende sa klase ng Hepa na meron ang pasyente.

Ang Hepatitis A ay ay pwedeng kusang gumaling ito kaya karaniwang walang gamot. Kailangan lamang ng healthy lifestyle at maraming tubig na inumin.

Ang Hepatitis B naman ay may mga kumplikasyon kaya kailangan ng antiviral vaccines. Para sa mga taong may malubhang impeksyon ng hepatitis B, ang mga antiviral na gamot tulad ng lamivudine, tenofovir, at entecavir ay maaaring ipinapayo upang kontrolin ang viral replication at mapabuti ang kalusugan ng atay

Ang Hepatitis C ay karaniwang ginagamot na kinabibilangan ng mga antiviral na gamot tulad ng peginterferon alfa at ribavirin. Sa mga taong may hepatitis C genotype 1, ang mga bagong-generasyon ng antiviral na tinatawag na direct-acting antivirals (DAA) ay karaniwang ginagamit.

Ang peginterferon alfa, isang uri ng interferon, ay karaniwang ginagamit sa paggamot ng hepatitis D.

Sa ilang mga kaso ng chronic hepatitis E sa mga pasyenteng may compromised na immune system, tulad ng mga organ transplant recipient o mga taong may HIV, ang antiviral na gamot tulad ng ribavirin

Ang Hepa D at E sa malubhang mga kaso ay kailangan ng Liver transplant.

Magkano ang gamot sa Hepatitis sa Pilipinas?

Ang halaga ng gamot para sa Hepatitis A sa pilipinas ay nasa Php 2,500 – Php 3,500 pesos per dose. Ginawa ang bakuna ng at least 2 beses na may interval na 6 – 12 months.

Sa hepatitis B naman ang vaccine ay nagkakahalaga ng Php 1,200 per dose na may interval ng 1 or 6 months. Ang hepa B vaccine ay may 3 doses na gagawin

Minsan may Hepa vaccine package at sabay na ang para sa Hepa A at Hepa B sa halaga na Php 2,700 per dose

Source: https://www.heartwellmedical.com/vaccines.html

Hepatitis A5 Years0,6-12 mosP 2,500 / dose
Hepatitis B5 Years0,1,6 mosP 1,200 / dose
Hepatitis A&B5 Years0,1,6 mosP 2,700 / dose

Contact details:

T: 02-70941-9758
G: 0956-778-8144
S: 0932-478-8535
Rm. 402, 4th Floor, Stanisco Tower, 999 Pedro Gil Corner Agoncillo St. Brgy 675, Ermita Manila

Open On: Monday-Friday : 7:30 am to 5:00 pm Saturday : 7:30 am – 2:00 pm

Ang mga hepatitis vaccines na ito ay pwedeng magkaroon ng allergic reaction sa pasyente kaya maiging makipagugnayan sa tamang clinic at hospital para ma-tsek muna ang compatability sa bakuna.

Samantala gaya sa nabanggit sa taas ang seryosong kaso ng Hepa D at E ay liver transplant ang makakapagsalba sa pasyente na pwedeng umabot ng Php 6 Million to Php 9 Million pesos.

Listahan ng Hospital para sa Gamutan ng Hepatitis

Metro Manila

  1. Philippine General Hospital (PGH)
    • Address: Taft Ave, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila
    • Contact: +63 2 8554 8400
  2. St. Luke’s Medical Center – Quezon City
    • Address: 279 E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City, 1112 Metro Manila
    • Contact: +63 2 8723 0101
  3. Asian Hospital and Medical Center
    • Address: 2205 Civic Dr, Filinvest City, Alabang, Muntinlupa, 1780 Metro Manila
    • Contact: +63 2 8771 9000
  4. The Medical City
    • Address: Ortigas Ave, Pasig, 1600 Metro Manila
    • Contact: +63 2 8988 1000
  5. Makati Medical Center
    • Address: 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati, 1229 Metro Manila
    • Contact: +63 2 8888 8999

Luzon

  1. Baguio General Hospital and Medical Center
    • Address: Governor Pack Rd, Baguio, 2600 Benguet
    • Contact: +63 74 619 1365
  2. Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital
    • Address: Brgy. San Dolores, City of San Fernando, Pampanga
    • Contact: +63 45 961 2414
  3. Bicol Regional Training and Teaching Hospital
    • Address: Concepcion Grande, Naga, Camarines Sur
    • Contact: +63 54 473 0423

Visayas

  1. Vicente Sotto Memorial Medical Center
    • Address: B. Rodriguez St, Cebu City, 6000 Cebu
    • Contact: +63 32 253 9891
  2. Western Visayas Medical Center
    • Address: Q. Abeto Street, Mandurriao, Iloilo City, 5000 Iloilo
    • Contact: +63 33 321 1784
  3. Eastern Visayas Regional Medical Center
    • Address: Magsaysay Boulevard, Tacloban City, Leyte
    • Contact: +63 53 321 3121

Mindanao

  1. Southern Philippines Medical Center
    • Address: J.P. Laurel Avenue, Davao City, 8000 Davao del Sur
    • Contact: +63 82 227 2731
  2. Northern Mindanao Medical Center
    • Address: Capistrano St, Cagayan de Oro, 9000 Misamis Oriental
    • Contact: +63 88 856 4144
  3. Zamboanga City Medical Center
    • Address: Dr. Evangelista St, Sta. Catalina, Zamboanga City
    • Contact: +63 62 991 2934

Iba pang mga Babasahin

Magkano ang magpa Pustiso sa Pilipinas?

Magkano ang Transvaginal Ultrasound

Magkano ang Kidney Ultrasound

Magkano ang Operasyon sa Prostate sa Pilipinas

One thought on “Magkano ang Gamot sa Hepatitis?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *