Ang ectopic pregnancy ay isang medikal na kondisyon kung saan ang sanggol ay nag-develop at naglaki sa labas ng matris o womb, kadalasang sa fallopian tube. Ito ay hindi ligtas para sa ina at kailangang agarang gamutin. More than 90% ng ectopic pregnancy ay nasa fallopian tube ng babae.
Sa ectopic pregnancy ang pwesto ng fertilized egg ay ang fallopian tube, subalit maaari rin itong mag-develop sa ibang bahagi ng reproductive system tulad ng ovaries, cervix, o sa loob mismo ng abdominal cavity.
Kailangang malaman kung ectopic pregnancy ang mga nararamdaman ng pasyente kasi pwedeng maging life threatening ito. Pwede kasing sa labis na paglaki nito ay pumutok ito at magkaroon ng internal hemorrage.
Sintomas ng Ectopic Pregnancy
Dahil ang sanggol ay lumalaki sa maling lugar (labas ng matris ng babae) maraming problema na dulot ng abnormal na pagbubuntis kagaya ng mga sumusunod.
1. Maaaring mayroong vaginal bleeding na abonormal ang dami. Maaaring maging pula o kulay kape ang kulay ng pagdurugo.
2. Sa panahon ng pagbubuntis, mayroong abdominal pain sa isang panig o lugar ng matris, na maaaring maging dull at constant o sharp at intermittent. Ang sakit ay maaaring nasa ibabaw ng balakang, sa isang gilid ng tiyan, o sa ibaba ng tiyan.
3. Mga pagbabago sa pattern ng pagdumi tulad ng pagtatae o pagka-constipated.
4. Pagkahilo, lalo na kung mayroong internal bleeding.
5. Pananakit ng balikat
6. Internal bleeding na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng mga dugo sa loob ng tiyan na nilalabas bilang “pulang itlog” sa loob ng tiyan o vaginal bleeding.
7. Vomiting
Ano ang mga problema sa Ectopic Pregnancy
Ang normal na pagbubuntis ay ang pagpasok ng sperm sa vagina ng babae, dadaan sa fallopian tube at mag-aabang ng itlog sa may pinakamalaking bahagi ng fallopian. Kapag nag meet sila (egg+sperm) ay mafertilize ang egg at kapag after several days na mafertilized na ito ay gagalaw ulet ito papunta na sa matris ng babae at ma-implant hanggang sa lumaki ito.
Kapag hindi nakapunta ng maayos ang fertilized egg sa tamang lugar doon na nagkakaroon ng ectopic pregnancy sa fallopian tube ng babae. Pwedeng may mga bara sa daanan kasi ng fertilized egg kaya doon nadin sya nagde-develop.
Paglaki ng fetus ay ma-occupy nya ang fallopian tube at lalaki ng lalaki na ang sanggol sa maling lugar. At dahil maliit ang fallopian tube, pwedeng pumutok ito at magkaroon na nga ng internal na bleeding ang expecting mommy.
Dahil nasa maling lugar ito minsan hindi makita sa ultrasound at aakalain ng pasyente na hindi sya buntis kasi nga walang baby na makita sa matres.
Pwede ding magkaroon ng impeksyon sa fallopian tube dahil sa pagputok at magkaroon ng madaming kumplikasyon sa pasyente.
Paano malaman kung Ectopic pregnancy ang dinadala ng expecting mommy
More or less ramdan ng pasyente ang abnormality sa pagbubuntis lalo na kung hindi makita sa ultrasound sa matres ang baby.
1. Sa pamamagitan ng transvaginal ultrasound (several times pinapagawa kung hindi malinaw)
Maaaring makita ng doktor ang posibleng lokasyon ng embryo sa reproductive system ng babae. Kadalasang hindi nakikita ang gestational sac (kung saan naitanim ang embryo sa matris) sa loob ng matris, at kung mayroong nakita sa labas nito (tulad sa fallopian tube) “ring of fire” na tinatawag, maaaring ito ay maituturing na ectopic pregnancy.
2. Malalaman din ng doktor sa pamamagitan ng beta hCG.
Ang beta hCG (human chorionic gonadotropin) ay isang hormone na karaniwang tumataas sa panahon ng pagbubuntis. Ang mga hindi karaniwang antas ng beta hCG, lalong-lalo na kung hindi tumataas nang maayos o bumabagal nang hindi maayos, ay maaaring maging isang palatandaan ng ectopic pregnancy.
Tinitignan ito ng mga doktor at pwedeng ipagawa ng ilang beses para ma-confirm talaga na baka may ectopic pregnancy.
Sa pamamagitan ng pagsusuri ng pelvic exam, maaaring mapansin ng doktor ang mga palatandaan ng tenderness sa ilalim ng tiyan.
4. Sa mga kaso na kumplikado o hindi malinaw, maaaring gawin ang mga karagdagang pagsusuri tulad ng MRI (magnetic resonance imaging) o CT (computed tomography) scan
Mga Karaniwang Dahilan ng Ectopic Pregnancy
-Pelvic inflammatory disease
-Smoking
-Advance age (>35 years old)
-May history ng ectopic pregnancy
-Previous pelvic surgery
Paano ginagamot ang Ectopic Pregnancy
1. Early detection
Kapag naramdaman na nagbubuntis, nagsagawa ng mga pregnancy test at nagpa-check up pero hindi naman makita sa ultrasound ang baby, malaki ang chance na ma-diagnose na may ectopic pregnancy at makakapagbigay agad ng solusyon ang doktor na nagsusuri para maagapan ang mga kumplikasyon
2. Medical management
After ng early detection ng ectopic pregnancy pwede itong maresetahan ng doktor ng medication para wala ng surgery pa na gagawin. Sa panahon na ito ay mapipigilan na ang pagdevelop pa ng embryo para hindi na ito lumaki pa. Sa process na ito kailangan confirm na maliit na maliit palang ito.
3. Large embryo
Kapag malaki na ang size ng embryo mga 4-5cm halos malapit na itong pumutok at magdugo na sa abdominal cavity, required na itong mag surgery.
Operasyon para sa Ectopic Pregnancy
Karaniwang ang operasyon para sa ectopic pregnancy ay isasagawa sa pamamagitan ng laparoscopic surgery o laparotomy, depende sa kalubhaan ng kaso at kalusugan ng pasyente. Ang laparoscopic surgery ay karaniwang mas mura at may mas mabilis na panahon ng paggaling kaysa sa laparotomy.
Pero ang laparotomy ay mas preferred gamitin kapag may mga komplikasyon na ang pasyente kagaya ng pagkahilo, blood loss at may sense of urgency na kailangan na itong tanggalin.
Magkano ang operasyon sa Ectopic Pregnancy sa Pilipinas?
Ang halaga ng operasyon sa ectopic pregnancy sa Pilipinas ay nasa Php 5,000 pesos – Php 7,000 pesos.
Kung may mga additional cost ay ang mga gamot, anesthesia at stay sa hospital ang babayaran pa.
Para sa mga may Philhealth ay libre ang operasyon sa ectopic pregnancy dahil sagot ng Philhealth ay nasa Php 6,000 pesos sa kanilang programa.
Mas mahal ito sa mga private hospital kung saan pwedeng umabot ng mahigit Php 100,000 pesos ang operasyon.
Ayon kay AN Gel sa kanyang posts sa isang FB group na may ectopic pregnancy ay umabot ng 100k+ ang gastos. Nawalan na nga sya ng anak ay napalaki pa ang gastos at kailangang magpa recover pa. Sinang-ayunan din ito ng isa pang member na si Ronz Jacla.
” AN Gel relate po ganun din ang bill ko nagkanda utang utang pa.”
Ganito din ang sinabi ng iba pang mga participants sa group na sina Dette, Kathreen at Jessel.
Mayroon ding discount ang Philhealth kahit sa private hospitalization sa ectopic pregnancy.
Mga Hospital na pwede ang operasyon sa Ectopic Pregnancy
Philippine General Hospital (PGH)
Address: Taft Avenue, Ermita, Manila
Telepono: +63 2 8554 8400
Dr. Jose Fabella Memorial Hospital
Address: Lope de Vega St, Santa Cruz, Manila
Telepono: +63 2 7312 6151
East Avenue Medical Center
Address: East Avenue, Diliman, Quezon City
Telepono: +63 2 8926 7999
Quirino Memorial Medical Center
Address: Project 4, Quezon City
Telepono: +63 2 8925 9287
Jose R. Reyes Memorial Medical Center
Address: San Lazaro Compound, Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila
Telepono: +63 2 8731 2361
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
Address: Sumulong Highway, Marikina City
Telepono: +63 2 8817 0761
Rizal Medical Center
Address: Pasig Boulevard, Pasig City
Telepono: +63 2 8651 6872
Tondo Medical Center
Address: North Bay Boulevard, Tondo, Manila
Telepono: +63 2 8361 1366
Ospital ng Maynila Medical Center
Address: Quirino Ave, Malate, Manila
Telepono: +63 2 8523 8131
Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
Address: Pulang Lupa, Las Piñas City
Telepono: +63 2 8874 0640
Iba pang mga Babasahin
Magkano ang panganganak sa Public Hospital?
Magkano ang operasyon sa Brain Tumor sa Pilipinas
One thought on “Magkano ang Operasyon sa Ectopic Pregnancy”