December 27, 2024

Magkano ang Operasyon sa Aneurysm – Brain, Aortic, Abdominal

Spread the love

Ang Aneurysm ay ang pagkakabuo ng umbok sa ugat sa kahit anong parte ng katawan natin. Although sa pilipinas ang common na ibig sabihin ng aneurysm ay ang pagputok ng ugat normally sa utak na nakamamatay.

Pwede din naman magkaraoon ng aneurysm sa mga ugat sa paa, kidney o aorta ng puso. Ang aorta ang pinakamalaking ugat na pwedeng magkaroon ng aneurysm. Ito ay nakadikit sa puso natin.

May tatlong layers ang mga ugat natin ang Adventitia (outer layer), media (middle layer) at intima (inner layer). Kapag nasira ang media layer ng ugat natin, dumadaloy sa manipis na parte na ito ang dugo at nagiging dahilan ng pagumbok nito.

Saccular aneurysm ang tawag kapag isang side ng ugat ay umumbok pero kapag buong side nito ang lomobo ang tawag naman ay fusiform aneurysm. Ruptured aneurysm naman ang tawag kapag pumuto na ang ugat na ito.

May underlying cause o ibang dahilan bakit nagkakaroon ng aneurysm at hindi ito nabubuo ng basta basta lang. Tatlong main cause ng aneurysm ang mataas na cholesterol level, high blood pressure at resulta ng bisyo gaya ng paninigarilyo o pag inom ng alak.

Pwede ding mamana ang pagkakaroon ng aneurysm or galing sa mga infection gaya ng syphilis, tubercolosis o salmonella.

Kahit anong edad pwede kang magkaroon nito bata o matanda. Ang average na paglaki ng aneurysm ay umaabot ng 3 years bago ito lumaki ng 1 cm.

Paano malaman kung mayroong Aneurysm kana?

Dahil sa nakikita lang ito sa mga ugat kailangang gumamit ng CT scan o MRI. Minsan kapag malaki talaga ito ay pwede ding makita sa X-ray pero may kalabuan. Kaya kailangan padin ng CT scan at MRI.

Ano ang mga Klase ng Aneurysm

1. Thoracic Aortic Aneurysm

-Ang aneurysm na ito ay makikita sa taas ng Aorta at karaniwang may sukat na 6cm . Maaring maipit ang esophagus at daanan ng hangin.

-Karaniwang sintomas nito ang hirap huminga o di naman kaya hirap lumunok

2. Abdominal Aortic Aneurysm

-Ang lokasyon ng aneurysm ay sa bandang baba ng Aorta.

-Kapag malaki na ito pwede makapa ng doktor na parang pumipintig ang ugat sa bahaging ito ng katawan

3. Cerebral Aneurysm

-Pinaka delikado sa klase ng mga aneurysm dahil sa mga ugat sa utak ang kinalalagyan nito.

-Ilan sa mga sintomas ng Cerebral aneurysm ang pag doble ng tingin, pagkahilo at pagsusuka or may stiff neck

Magkano ang Operasyon para sa Aneurysm sa Pilipinas

Ang halaga ng operasyon para sa aneurysm sa Pilipinas ay nasa range ng Php 300,000 – Php 500,000 pesos.

Ang breakdown ng payment ay 60% sa professional fee mapupunta, 20% sa anesthesiologist at 20% para sa mga gagamiting material at gamot sa operasyon.

Para sa Abdominal Aortic operation umaabot ng Php 561,000 pesos ang operasyon sa private plan sa Philippine heart Center.

PROCEDUREPRIVATE Plan ASEMI-PRIVATE Plan BWARD Plan CLENGTH OF STAY
Abdominal Aortic561,224.00466,392.00394,912.007 days

Source: https://www.phc.gov.ph/services/treatment.php

Bakit pumuputok ang Aneurysm?

-Maaring pumutok ang aneurysm anytime basta malaki na ito

-Kapag mataaas ang blood pressure 180/100 o mataas pa

-Pag more than 5cm ang abdominal aortic aneurysm 20% chance na pumutok, pag less than 5cm 1-2% chance ang pagputok

Pwede bang mawala ang Aneurysm?

Posible na mawala ang aneurysm kapag nawala din ang pinakasanhi nito. Ang pinakamabisa na paraan ay surgery.

May gamot ba sa Aneurysm?

May mga gamot sa aneurysm pero hindi nito kayang tanggalin ang pagkakaroon ng aneurysm

Paano makaiwas sa Aneurysm?

-Iwasan ang matatabang pagkain

-Iwasan ang mga fast food

-Iwasan ang mga fried food

-Kapag high blood uminom ng regular sa maintenance na gamot, pag monitor ng blood pressure

-Kung may infection, siguraduhing inumin ang gamot na bilin ng doktor.

Mga Hospital para sa may Aneurysm

Philippine General Hospital (PGH)

Address: Taft Avenue, Ermita, Manila

Contact: +63 2 554-8400

St. Luke’s Medical Center

Address: Bonifacio Global City, Taguig City

Contact: +63 2 789-7700

Makati Medical Center

Address: 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati City

Contact: +63 2 8888-999

The Medical City

Address: Ortigas Avenue, Pasig City

Contact: +63 2 8988-1000

Asian Hospital and Medical Center

Address: Civic Drive, Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City

Contact: +63 2 8771-9000

Cardinal Santos Medical Center

Address: 10 Wilson Street, Greenhills West, San Juan City

Contact: +63 2 8727-0001

Manila Doctors Hospital

Address: United Nations Avenue, Ermita, Manila

Contact: +63 2 524-3011

Chong Hua Hospital Cebu

Address: Don Mariano Cui Street, Fuente Osmeña, Cebu City

Contact: +63 32 255-8000

Davao Doctors Hospital

Address: Quirino Avenue, Davao City

Contact: +63 82 222-8000

Iloilo Doctor’s Hospital

Address: West Avenue, Molo, Iloilo City

Contact: +63 33 500-1000

Iba pang mga Babasahin

Magkano ang CT Scan sa Ulo sa Pilipinas?

Magkano ang Raspa (Dilation and curettage) sa Pilipinas?

Magkano ang operasyon sa Sinusitis sa Pilipinas

Magkano ang Gamot sa Diabetes sa Pilipinas

2 thoughts on “Magkano ang Operasyon sa Aneurysm – Brain, Aortic, Abdominal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *