December 22, 2024

Magkano ang CT Scan sa Ulo sa Pilipinas?

Spread the love

Ang CT scan o computed tomography scan sa ulo ay isang medikal na procedure na ginagamit upang makakuha ng detalyadong larawan sa loob ng utak at iba pang mga istraktura sa ulo.

Ginagamit ito ng mga doktor para malaman kung aling parte ng ulo ang me abnormal na kondisyon ng hindi na kailangan pang operahan ang pasyente kung kinakailangan.

Saan Ginagamit ang CT Scan sa Ulo

Pagtukoy ng Trauma o Pinsala

Ang CT scan ng ulo ay maaaring isagawa pagkatapos ng isang trauma sa ulo, tulad ng aksidente sa sasakyan o pagbagsak, upang suriin ang posibleng pinsala sa utak, buto ng bungo, o iba pang mga istraktura.

Pagtukoy ng Stroke

Ang CT scan ay maaaring gamitin upang makita ang mga palatandaan ng stroke sa utak, tulad ng pagbagsak ng dugo o paglitaw ng isang blood clot.

Pagsubaybay sa progress ng Sakit

Ito ay maaaring gamitin upang subaybayan ang progress ng mga sakit sa utak tulad ng tumor, aneurysm, o mga impeksyon tulad ng meningitis.

Pagtukoy ng mga Nakikita o Nadarama na mga Sintomas

Ang CT scan ay maaaring gamitin upang suriin ang mga sintomas tulad ng matinding sakit sa ulo, pagbabalisa, mga pagbabago sa pag-iisip o pag-uugali, o iba pang mga karamdaman na maaaring may kaugnayan sa utak.

Pagtukoy ng mga Structural Anomalies

Ito ay maaaring gamitin upang suriin ang mga structural na mga anomaliya sa utak tulad ng mga kawalan sa pagkakabukod (tulad ng hydrocephalus) o mga congenital na kondisyon.

Magkano ang CT Scan sa Ulo sa Pilipinas

Ang halaga ng pagpapa CT Scan sa ulo sa pilipinas ay may average price na Php 4,000 – Php 14,000 pesos.

Ayon sa Perpetual Help Medical Center sa Las pinas, ang halaga ng CT Scan ay  Php 4,000 to Php 8,000 pesos naman.

Sa table sa baba ay para sa mga CT Scan sa ibat ibang bahagi ng katawan ng pasyente.

TestsAmount

CRANIAL PLAIN4,000.00

CHEST PLAIN & CONTRAST7,300.00

CERVICAL SPINE PLAIN5,200.00

CERVICAL SPINE WITH CONTRAST7,000.00

CHEST HR PLAIN7,800.00

CRANIAL W/ CONTRAST5,550.00

EXTREMITIES PLAIN5,700.00

EXTREMITIES WITH CONTRAST8,700.00

CT-GUIDED BIOPSY14,800.00

CT-JOINTS PLAIN5,700.00

CT-JOINTS W/ CONTRAST7,000.00

LOWER ABDOMEN PLAIN6,300.00

LOWER ABDOMEN W/ CONTRAST7,200.00

LUMBAR SPINE PLAIN6,300.00

LUMBAR SPINE WITH CONTRAST7,600.00

MASTOID5,700.00

ANGIOGRAM14,800.00

FACIAL PLAIN5,700.00

FACIAL WITH CONTRAST7,600.00

NECK PLAIN5,700.00

NECK W/ CONTRAST7,400.00

ORBIT PLAIN5,700.00

ORBIT WITH CONTRAST7,200.00

PARANASAL SINUSES PLAIN5,700.00

PARANASAL SINUSES W/ CONTRAST8,300.00

PELVIC PLAIN5,400.00

PELVIS WITH CONTRAST7,250.00

PITUITARY GLAND PLAIN5,400.00

PITUITARY GLAND W/ CONTRAST7,250.00

SELLA TURSICA PLAIN5,700.00

SELLA TURSICA W/ CONTRAST6,300.00

STONOGRAM7,000.00

TEMPORAL BONE PLAIN5,700.00

TEMPORAL BONE W/ CONTRAST7,250.00

THORACIC SPINE PLAIN6,300.00

THORACIC SPINE W/ CONTRAST7,250.00

TRIPHASIC LIVER SCAN12,000.00

UPPER ABDOMEN PLAIN6,300.00

UPPER ABDOMEN W/ CONTRAST7,200.00

WHOLE ABDOMEN PLAIN8,000.00

WHOLE ABDOMEN W/ CONTRAST12,400.00

CHEST PLAIN5,700.00

Source: https://djrmh.doh.gov.ph/rates-and-fees/radiology-fees

Mas mahal kapag gagawin ang CT Scan sa ulo sa mga private Hospitals naman. Nandito ang mga Presyo

St. Luke’s Medical Center: Presyo range ₱8,000 hanggang ₱15,000

Makati Medical Center: Presyo range ₱7,000 hanggang ₱12,000

The Medical City: Presyo range ₱6,000 hanggang ₱10,000

Asian Hospital and Medical Center: Presyo range ₱6,000 hanggang ₱12,000

Cardinal Santos Medical Center: Presyo range ₱6,000 hanggang ₱10,000

Paano isinasagawa ang CT Scan

Ang pagsasagawa ng CT Scan sa ulo o anomang bahagi ng katawan ng pasyente ay may mga preparasyon na inihahanda.

1. Preparation

-Depende sa doktor na magsasagawa ng CT scan, para malinaw ang image na makukuha mayroong itinuturok na IV injections na liquid para mas malinaw makita ang organ na under observation o mas malinaw ang kuha sa mga blood vessels. Kinakailangan din ng pag-fasting ng pasyente ilang oras bago ito umpisahan.

2. Pag CT Scan

-Tandaan na lahat ng metal objects sa katawan ng pasyente ay tinatanggal. Nakaka interfere kasi ito sa resulta ng image na kinukuha. Kadalasan pinagpapalit ng hospital gown ang pasyente para komportable din sya sa gagawin na CT scan.

-Hindi nangangailangan ng pampatulog ang pagsasagawa ng CT scan pero dahil sa ilang minuto din ito isasagawa minsan may sedative na binibigay para hindi gumagalaw ang pasyente.

-Karaniwang nakahiga ang pasyente kagaya ng larawan sa itaas.

3. Post CT Scan

-Kapag nag sedative ang pasyente ay pinapahinga muna siya sa isang separate na kwarto bago pauwiin.

-Dahil ang CT scan ay gumagamit ng radiation, kadalasan hindi ginagamit ito sa mga buntis, bata o baby.

-Karaniwan din na pinapainom ng maraming tubig ang pasyente na gumamit ng dye o pangkulay para sa malinaw na CT scan image. Delikado kasi ang liquid na ito sa kidney sa katawan at kapag nagtagal ito sa atin.

Mga Hospital na may Libreng CT Scan sa Pilipinas

Sa Pilipinas, ang mga pampublikong ospital ay karaniwang nagbibigay ng libre o mababang gastos na mga serbisyo sa medikal, kasama na ang CT scan, para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Philippine General Hospital (PGH)

Address: Taft Avenue, Ermita, Manila

Contact: +63 2 554-8400

Ospital ng Maynila Medical Center

Address: Pres. Quirino Avenue, Malate, Manila

Contact: +63 2 8521-8450

Jose R. Reyes Memorial Medical Center

Address: San Lazaro Compound, Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila

Contact: +63 2 711-9491

East Avenue Medical Center

Address: East Avenue, Diliman, Quezon City

Contact: +63 2 8921-6475

Quirino Memorial Medical Center

Address: Project 4, P. Tuazon Boulevard, Quezon City

Contact: +63 2 8716-3946

Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC)

Address: Sumulong Highway, Marikina City

Contact: +63 2 682-2222

Lung Center of the Philippines

Address: Quezon Avenue, Quezon City

Contact: +63 2 8924-6101 loc. 201

Western Visayas Medical Center

Address: Q. Abeto St., Mandurriao, Iloilo City

Contact: +63 33 321-2841

Southern Philippines Medical Center

Address: J.P. Laurel Avenue, Bajada, Davao City

Contact: +63 82 227-2731

Davao Regional Medical Center

Address: Apokon, Tagum City, Davao del Norte

Contact: +63 84 217-3213

Philhealth para sa CT Scan sa Ulo

May coverage ang Philhealth para sa CT scan sa ulo. Itanong lang ito sa iyong center para malaman kung magkano ang coverage.

Para sa mga senior citizen ang CT scan sa ulo ay may 20% na discount.

Iba pang mga Babasahin

Magkano ang Raspa (Dilation and curettage) sa Pilipinas?

Magkano ang operasyon sa Sinusitis sa Pilipinas

Magkano ang Gamot sa Diabetes sa Pilipinas

Magkano ang gamot sa Tuberculosis o TB sa Pilipinas?

2 thoughts on “Magkano ang CT Scan sa Ulo sa Pilipinas?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *