January 15, 2025

Magkano magparetoke ng Ilong?

Spread the love

Ang retoke sa ilong, na kilala rin bilang rhinoplasty, ay isang uri ng cosmetic operation na ginagamit upang baguhin ang hugis, sukat, o hitsura ng ilong. Ito ay isang procedural na pamamaraan na karaniwang isinasagawa ng isang plastic surgeon o isang facial plastic surgeon.

Common na sa ngayon sa pilipinas ang pagpaparetoke ng ilong at karaniwang dahilan ang pagpapatangos ng ilong sa atin dahil likas sa ating pinoy ang pagiging pango.

Halimbawa ng resulta ng pagpapa retoke ng ilong (before and after) Rhinoplasty Silicon implant:

Mga Pwedeng gawin sa Rhinoplasty o retoke ng Ilong

1. Baguhin ang Hugis ng Ilong

    Ito ay maaaring maglaman ng pagpapaliit, pagpapalaki, pag-angat, o pagbago sa hugis ng ilong upang magbigay ng mas balanseng at kaakit-akit na hitsura. For aesthetic purposes ang pangunahing dahilan natin sa pagpaparetoke.

    2. Pagtanggal ng Bahagi ng Ilong

    Pwede ipatanggal ang ilang buto sa ilong para tumangos ito o palakihin at paliitin ang butas ng ilong, depende sa gusto ng pasyente

    3. Pagsasaayos ng Paghinga

    Ang rhinoplasty ay ginagawa din para maayos ang mga dahilan kung bakit nahihirapan huminga ang isang pasyente. Tinatawag din ito na corrective surgery

    4. Reconstructive surgery

    Kapag naaksidente ang pasyente at nasira ang ilong pwede ding isaayos ito ng plastic surgeon para maging kaaya aya ulet ang hitsura at makahinga ng maayos ang pasyente

    Masakit ba magparetoke ng Ilong

    Ang nag undergo ng rhinoplasty o retoke sa ilong ay ginagamitan ng anesthesia kaya walang mararamdaman sa panahon ng operasyon. Pagkatapos mag wear off na ang anesthesia saka makakaramdam ang pasyente ng mga sakit na.

    Discomfort at Tenderness

    -Pananakit ng ilong

    Sinus Congestion o hirap makahinga sa ilong

    -Sensasyon ng pressure sa nasal area

    -Sore Throat

    -Eye irritation

    -Pamamaga ng ilong

    Sa panahon na naghihilom ang sugat sa ilong, ang mga surgeon ay karaniwang nagbibigay ng mga prescription o over-the-counter na gamot para sa pamamahala ng sakit, tulad ng pain relievers o anti-inflammatory medications.

    Magkano magparetoke ng ilong sa Pilipinas?

    Ang halaga ng rhinoplasty o retoke sa ilong sa Pilipinas ay depende sa klase ng pa-retoke na pinagagawa.

    Sa Basic Rhinoplasty kung saan ginagawa ang mga simpleng pagbabago tulad ng pagtangal ng bukol o pagbabago ng hugis ng ilong, ay maaaring magkakahalaga ng mga Php 70,000 hanggang Php 80,000 pesos. Kapag silicon implant naman ang gagawin ay nasa Php 35,000 pesos ang minimum na halaga.

    Kapag Cosmetic Rhinoplasty para naman sa mga mas komplikadong pagbabago sa hugis o hitsura ng ilong, tulad ng pagpapaliit ng ilong, pag-angat ng dulo, o pagtanggal ng butas sa ilong, ang presyo ay maaaring umabot sa mga Php 80,000 hanggang Php 150,000 pesos.

    Kung hindi ka nasiyahan sa resulta o kailangan ipaayos ulet ito ang Revision Rhinoplasty kung saan ipaparetoke ng iyong ilong para sa ikalawang beses o higit pa, kilala bilang revision rhinoplasty, ang gastos ay maaaring maging mas mataas dahil sa mas kumplikadong proseso.

    Bukod sa bayad sa operasyon, maaaring may karagdagang gastusin tulad ng mga pre-operative at post-operative check-up, anesthesia, laboratory tests, hospital accommodations, at iba pa.

    Mga

    Mga clinic o Hospital sa Pilipinas na pwede magparetoke ng Ilong

    Belo Medical Group Address: Various branches nationwide

    Website: belomed.com

    Telepono: +63 2 8819 2356

    The Aivee Clinic Address: Various branches nationwide

    Website: aivee.ph

    Telepono: +63 2 8843 1999

    Asian Hospital and Medical Center Address: 2205 Civic Dr, Alabang, Muntinlupa, 1780 Metro Manila

    Telepono: +63 2 8771 9000

    Makati Medical Center Address: 2 Amorsolo Street, Legaspi Village, Makati, 1229 Metro Manila

    Telepono: +63 2 8888 8999

    St. Luke’s Medical Center – Global City Address: 32nd St, Taguig, Metro Manila

    Telepono: +63 2 8789 7700

    The Medical CityAddress: Ortigas Ave, Pasig, Metro Manila

    Telepono: +63 2 8988 1000

    Manila Doctors Hospital Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila

    Telepono: +63 2 524 3011

    Cardinal Santos Medical Center Address: 10 Wilson St, Greenhills West, San Juan, 1500 Metro Manila

    Telepono: +63 2 8727 0001

    St. Luke’s Medical Center – Quezon City Address: Eulogio Rodriguez Sr. Ave, Quezon City, 1112 Metro Manila

    Telepono: +63 2 8723 0101

    Skin Doctors Dermatology Clinics Address: Various branches nationwide

    Website: skindoctorclinics.com

    Telepono: +63 917 559 2569

    Iba pang mga Babasahin

    Magkano ang Plastic Surgery

    Magkano ang Raspa (Dilation and curettage) sa Pilipinas?

    Magkano ang Liposuction

    Magkano ang Hair Transplant

    One thought on “Magkano magparetoke ng Ilong?

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *