November 21, 2024

Magkano ang Operasyon sa Bato sa Apdo – Mga Dapat Alamin

Spread the love

Kapag kailangan mo ng operasyon sa bato sa Apdo o gallstone operation ang presyo ng hospitalisayon at operasyon ay nakadepende kung saang lugar ka maooperahan sa Pilipinas. Pwede kasing sa private o pampubliko na hospital ito at ang una ay pwedeng madoble ang halaga kapag sa private ka nag pa opera.

Sa estimate na halaga ang operasyon ng gallstone sa pilipinas ay pwedeng umabot ng 20,000 pesos hanggang 150,000 pesos. Hindi pa naisama sa kalkulasyon ang halaga ng mga gamot, hospital stay, laboratory at iba pang serbisyo ng mga doktor kaugnay ng operasyon.

Bakit Kailangan mag pa-Opera ng Bato sa Apdo?

Kapag nalaman na masyadong malaki na ang bato sa apdo pwede kasing maging sanhi ito ng pamamaga ng apdo o ng tinatawag na cholecystitis. Pwede ding magkaroon ng kumplikasyon sa bile ducts o tinatawag na cholangitis.

Kapag depiktibo ang gallstone natin madaming magiging epekto ito sa katawan natin. Pwede maging sanhi ng pagsakit ng tiyan. Madalas din ito na nagpapasakit ng kanang tagiliran at pagsakit ng balikat. Sa malalang kondisyon pwede kading magsuka. Ang mga sintomas na ito ay nakakaapekto sa mga pang-araw araw na buhay natin.

Sa pagbabara naman nito sa bile duct ng pasyente, pwede itong maging dahilan ng jaundice o yung phenomena na nagiging sanhi ng paninilaw ng balat at ng mata.

Mga Uri ng Operasyon sa Gallstones o Bato sa Apdo

Dahil may ibat ibang paraan ng operasyon sa Gallstone ang bayad dito ay pwede ding magkaiba iba. Mangyaring itanong mismo ito sa hospital na pinuntahan.

Eto naman ang mga operasyon na pwedeng isagawa sa me Gallstone o bato sa apdo.

Laparoscopic Cholecystectomy ang pinakakaraniwang paraan ng pag-alis ng gallstones. Ginagamit ang isang laparoscope, isang maliit na kamera na inilalagay sa pamamagitan ng paghiwa ng maliit sa tapat ng gallstone, upang matukoy at alisin ang mga bato sa apdo. Minimally invasive na procedure ito at nagpapabawas sa sakit at panahon ng paggaling.

Open Cholecystectomy naman sa mga kaso na hindi maaaring gamitin ang laparoscopic approach, tulad ng mga malalaking bato sa apdo o mga komplikasyon, maaaring isagawa ang open cholecystectomy. Sa prosedurang ito, isinasagawa ang pagbubukas ng malaking tahi sa tiyan upang ma-access ang apdo at alisin ang mga bato.

Endoscopic Retrograde Cholangiopancreatography (ERCP) ay gumagamit ng isang flexible na endoscope ang ipinapasok sa bituka at papunta sa mga duct ng apdo. Sa pamamagitan nito, maaaring maalis o masira ang mga bato sa mga duct na ito. Ito ay karaniwang ginagamit kung mayroong mga bato na nakasara sa mga bile duct.

Percutaneous Cholecystostomy sa pamamagitan ng percutaneous cholecystostomy, isang guidewire at isang drainage tube ang inilalagay sa apdo upang mailabas ang likido at mga bato.

Listahan ng Hospital na Pwede ang Gall stone Operation

Hindi lahat ng mga hospital sa pilipinas ay gumagawa ng operasyon sa Bato sa Apdo. Kapag wala kang makita o mahanap pwede ka tumawag at magtanong sa listahan sa table sa baba.

Hospital NameLocation
St. Luke’s Medical CenterQuezon City, BGC, Taguig
Makati Medical CenterMakati City
Philippine General Hospital (PGH)Manila
Asian Hospital and Medical CenterMuntinlupa City
The Medical CityPasig City
List of Hospitals that offer Gallstone Operation

Mga Discounts sa Operasyon ng Gallstone o Bato sa Apdo

Senior Citizen Card

Ang senior citizine ay posibleng makakuha ng 20% discount sa mga operasyon. Mangyaring itawag ito sa Hospital mismo para malaman kung magkano ang pwede na i-avail

Phlhealth Card or Benefits

Pwede mong itanong ito sa PhilHealth Contact Center sa (02) 8441-7442 o pumunta sa kanilang opisyal na website sa www.philhealth.gov.ph. Kung hindi man ito ma cover, pwede namang sagutin ng Philhealth ang ilang bayad sa ospital kagaya ng confinement at ng mga miscellanous na check up or diagnostic tests.

Halimbawa sa philhealth pwede nilang sagutin ang sumusunod;

Code 47562
Laparoscopic cholecystectomy, surgical laparoscopy; or any method of cholecystectomy
Total coverage: 31,000php
For PF: 12,400php
For Hospital costs: 18,600php

Source: Anogamot.com, anosagot.com, gamotsabata.com

Iba pang mga Babasahin

Magkano ang Endoscopy

Magkano ang Abdominal Ultrasound

Magkano ang Pelvic Ultrasound

Magkano Ang Operasyon Sa Gallstone

One thought on “Magkano ang Operasyon sa Bato sa Apdo – Mga Dapat Alamin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *